Ano ba ang sikreto ng pamilyang Kramer at ganoon na lamang sila ka-close sa isa’t-isa? Isa sa mga bagay na pinapahalagan ng couple na si Chesca Garcia at Doug Kramer ay ang “quality time” at paglalaan ng oras at panahon para makapag-bonding sila kasama ang kanilang mga chikiting.
Credit: @dougkramer Instagram
Ngayon, saan na naman kaya ang destinasyon ng Team Kramer?
Kumakailan lamang nang lumipad papuntang US ang pamilyang Kramer upang makapagbakasyon at makapag-relax. At dahil nakasanayan at sobrang hilig ng mag-asawa na si Doug at Chesca na ipasyal ang kanilang mga anak sa magagandang lugar, nagpunta ang Team Kramer sa fun fair kung saan ay sumubok at nag-enjoy sila sa iba’t-ibang rides. Isa na nga sa kanilang sinubukan ay ang roller coaster.
Credit: @dougkramer Instagram
Isa ang Six Flags Fiesta sa Texas sa mga lugar na binisita ng Team Kramer kaya upang ma-check ang kanilang bucket list habang nasa bakasyon kaya naman sinubukan nila ang roller coaster kung saan ay talagang bumenta sa netizens ang naging expression nina Chesca, Doug, at ng kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.
Sa post ni Doug sa Instagram, ibinahagi niya ang snaps na kuha niya habang nasa kalagitnaan sila ng pagsakay sa nakakalulang roller coaster.
“At the top at Six Flags San Antonio, Texas on this crazy crazy crazy, Iron Rattler roller coaster!” sulat ni Doug sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nila ni Kendra na siyang katabi niya.
Credit: @dougkramer Instagram
At dahil kinakabahan, magkahawak ang kamay ng mag-ama pero hindi pa rin nila naitago ang magkahalong takot at kaba dahil kitang-kita naman sa kanilang mukha kung gaano sila ka-shookt.
“That drop got me so surprised! Hence, my face at the second photo! Kendra’s face too! 😂😂😂,” ayon kay Doug.
Sa isang hiwalay na post naman, featured ang reaction ni Chesca at Gavin na katulad nina Doug at Kendra ay obvious na obvious ang kabang nararamdaman.
Credit: @dougkramer Instagram
At dahil hindi satisfied ang kanilang fans na tanging mga larawan lamang ang ibinahagi ni Doug habang nag-eenjoy ang buong Team Kramer sa pagsakay sa roller coaster, ipinangako niyang mag-uupload siya ng vlog ilang araw mula ngayon lalo na’t sobrang pumatok sa karamihan ang nakakaaliw nilang reaksyon.