Tignan ang naging reaksyon ng mga anak ni Dimples Romana nang makita nila muli ang kanilang mommy na nawalay sa kanila dahil sa lock-in taping

Napuno ng sari-saring emosyon ang muling pagkikita nina Dimples Romana at ng kanyang pamilya matapos siyang umuwi mula sa dalawang linggong lock-in taping para sa kanyang bagong sitcom sa TV5 na “Oh My Dad”.

Credit: Boyet Ahmee YouTube      

Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ng asawa ni Dimples na si Boyet Ahmee ang naging reunion ng kanyang mag-ina.

Sa unang bahagi ng vlog, ay in-interview muna ni Boyet sina Callie at Alonzo kung anong nararamdaman ng mga ito nang malayo ang kanilang ina dahil sa lock-in taping nito.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Ayon sa 19 na gulang na panganay ni Dimples, nasanay na raw siya na hindi madalas nakikita ang ina dahil sa uri ng trabaho nito.

Ani Callie, “Weird and not weird. I guess. Kasi I know her work naman talaga it’s been like that ever since and she’s been working since what? 13. So, I’m used to it.”

Kung si Callie ay naiintindahan kung bakit hindi muna nila pansamantalang makakasama ang ina, kapansin-pansin naman ang pagiging malungkot ng bunsong anak ni Dimples na si Alonzo.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Ayon kay Alonzo, nami-miss na raw niyang makasama ang ina sa paglalaro ng video games.

Maging si Boyet ay nahirapan din umano na makita ang kanyang mga anak na nami-miss ang kanilang ina.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Kwento ni Boyet, “For the past two weeks, it’s really hard on my part, seeing the kids missing their mom. Yeah, we’re used to it that’s how our system goes here sa bahay.”

Sa kalagitnaan ng kanilang “mini interview” ay biglang may nag-doorbell. Kitang-kita ang gulat sa mukha ng panganay ni Dimples nang pagbuksan ang pintuan at makita ang ina.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Samantala, nang marinig naman ni Alonzo ang boses ni Dimples ay agad itong tumakbo papunta sa pintuan at napatalon sa saya nang makita ang ina.

Sa sobrang pagka-miss sa ina, ay napa-iyak nalang si Alonzo habang niyayakap nang mahigpit ang kanyang Mommy Dimples.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

“I love you, Mom,” sambit ni Alonzo sa ina.

Sa Instagram naman ng aktres ay ikwenento niya ang kanyang naramdaman habang naka-lock-in taping at malayo sa pamilya.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Aniya “Ang hirap to be away from them but I also feel so blessed to be working with the cast and crew of #OhMyDad . With every blessing, I say THANK YOU LORD. “

Dagdag ni Dimples, “Pero pag ganito ang salubong sayo ng mga anak mo sa bawat pag uwi mo mula trabaho, para bang wala na akong mahiling pa.”

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Sa huli, ay nagbigay pugay si Dimples sa lahat ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na madalas ay malayo sa kanilang pamilya.

Saad ni Dimples, “Just want to give a special salute and shoutout to all my dear OFWs who are constantly away from their families. You are all heroes.”