Tignan ang naging reaksyon ng wais na baby nila Rodjun Cruz at Dianne Medina nang pinapili ito ng perang kukunin

Si Baby Rodolfo Joaquin Diego III ay ang panganay na anak ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Magmula naman nang ipanganak siya noong September 2020, ay walang tigil sa pagbibigay kasiyahan si Baby Joaquin hindi lamang sa buhay ng kanyang mga magulang kundi pati na rin sa mga netizen.

Noong March 30 lamang, muling pinasaya ni Baby Joaquin ang mga netizen matapos ibahagi ni Rodjun sa kanyang Instagram ang isang video kung saan makikita itong pumipili sa pagitan ng 500 piso at 1,000 piso.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Sa video ay makikita si Rodjun na may hawak na 500 piso at 1,000 pisong pera. Pinapili nga ni Rodjun si Baby Joaquin sa pagitan ng dalawang pera.

Ani Rodjun sa video, “Baby Joaquin, Daddy will give you money, okay? Choose one only. 500 pesos or 1,000 pesos? Choose one.”

Credit: @rodjuncruz Instagram

Sa umpisa, tila nagtataka pa si Baby Joaquin habang tinitingnan ang hawak na mga pera ng kanyang Daddy Rodjun.

Sa huli ay inabot naman ni Baby Joaquin ang 1,000 libong piso na nagbigay aliw kay Rodjun at Dianne.

Pinuri pa ni Rodjun ang kanyang napakagwapong anak dahil mahusay umano itong pumili at ang pera talagang may malaking halaga ang pinili nito.

Ngunit mas lalo talagang nagpaaliw kay Rodjun nang maging ang 500 piso ay inabot din ni Baby Joaquin.

Hindi lang pala 1,000 piso ang gusto ni Baby Joaquin kundi 1, 500 piso!

Credit: @rodjuncruz Instagram

“Ay, 1,000 galing! Oh, you want 500 din? Both. Sure na ang future!” saad ni Rodjun sa huling bahagi ng video.

Sulat naman ni Rodjun sa caption, “Alam na haha! Sure na ang Future!👶🏻❤️👍🏻@babyjoaquinilustre @dianne_medina”

Samantala, pumalo naman sa mahigit 200K ang nakapanood na sa nakakaaliw na video ni Baby Joaquin.

Reaksyon naman ng netizens sa ginawa ni Baby Joaquin:

“Hahahaha!!! Very good Babyboy!!! 😍😬”

Credit: @rodjuncruz Instagram

“Galing naman baby joaquin 👏😂❤️”

“wahahahahahaha!!! kyottttttttt”

“why choose one if you can have both ang moto ni baby joaquin”

“Sayang daw yuung 500 kaya both hahahaha”

Ipinanganak ni Dianne si Baby Joaquin noong September 10, 2020 sa pamamagitan ng cesarean section.