Tignan ang naging reaksyon ni Scarlet Snow Belo nang muling makapiling ang kanyang paboritong yaya

Talagang puno ng kabutihan ang puso ng isang bata at pinatunayan ito ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

Hindi palaging nasa ating tabi ang mga taong inaasahan nating mananatili sa atin sa panghabang buhay. May mga pagkakataon na aalis ang mga taong malalapit sa ating puso kung saan ay hindi natin maiiwasan ang makaramdam ng lumbay.

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

Limang buwan pa lamang si Scarlet nang nasa kanyang tabi na si yaya Anita. Hanggang sa siya’y nagkamalay, nanatili ito sa kanyang tabi kasama ng kanyang Mommy at Daddy kaya sobra na lamang ang closeness at pagiging komportable nila sa isa’t-isa.

Ngunit dumating ang panahon kung saan ay kinakailangan ng kanyang yaya Anita na umalis at bumalik sa kanyang probinsya na talaga ikinalungkot ni Scarlet Snow. Napalapit na ang kanyang loob sa kanyang yaya Anita kaya hindi naging madali para sa anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang ideyang aalis na ang kanyang paboritong yaya.

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

Umalis man si yaya Anita, umaasa pa rin si Scarlet na babalik ito at magkakasama silang muli. Sa kanyang pananalig na makakapiling itong muli, matapos ang mahigit isang taon, bumalik na ulit si yaya Anita dahilan kung bakit labis na lamang ang sayang naramdaman ni Scarlet.

Sa ibinahaging maikling video ni Scarlet sa kanyang Instagram account, makikita kung paano siya sinupresa ng kanyang Mommy Vicki Belo sa muling pagbabalik ni yaya Anita.

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

Nang muling makita ang kanyang yaya Anita matapos ang isang taong pagkakawalay, gumuhit sa mukha ni Scarlet ang kasiyahang naramdaman at kaagad itong napatakbo at napayakap ng mahigit sa kanyang yaya.

Sa muli nilang pagtatagpo, hindi napigilan ni Scarlet ang mapatalon dahil sa tuwa.

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

“Look who’s back! She honored her promise! I’m soooo happy! @athena1974” sulat ni Scarlet sa kanyang caption.

Komento naman ni Yaya Anita sa post ng alaga, “I’m so happy too Scarlet💖💖💖 i miss you so much🥰 pokongkong mio❤️”

Marami namang netizens ang na-touch sa emosyonal nilang pagtatagpo.

“Oh this is beautiful! Not many are blessed with a great Yaya and not many Yayas are blessed to care for a great family. Truly blessed!”

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

“Scarlet can’t contain her happiness 😍”

“I feel you scarlet! Happy for you!😍 I have a very close yaya ate too…they are like your bff!💕”

Bagama’t nahihiya man, nandoon pa rin ang masisiglang ngiti ni Scarlet dahil sa wakas, nakabalik na ang kanyang yaya Anita at muli na niya itong makakapiling matapos ang mahaba-habang panahon na pagkakawalay.

Credit: @scarletsnowbelo Instagram

Sa muling pagbabalik ni Yaya Anita, welcome na welcome pa rin siya sa bahay nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.