Tignan ang nakakaaliw na paraan ng pagpapatulog ni Erwan Heaussaff sa anak nila ni Anne Curtis na si Baby Dahlia

Pinanggigilan ng maraming netizens ang napaka-cute na anak nina TV actress Anne Curtis at food vlogger-businessman Erwan Heaussaff na si Dahlia Amèlie. Ito ay matapos i-post ni Erwan sa kanyang Instagram ang adorable video ni Baby Dahlia Amèlie na biglang napahiga nang marinig ang sinabi ng kanyang Daddy Erwan.

Credit: Erwan Heussaff Instagram      

Tila nakahanap ng isang magic spell si Erwan upang mabilis na patulugin si Baby Dahlia at ito ay ang French word na ‘Dodo’.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Sa video makikita si Baby Dahlia na hindi pa natutulog at gumagapang sa kama ngunit nang marinig na ang salitang ‘Dodo’ ay bigla-bigla na lamang itong napahiga.
Caption ni Erwan sa video, “Dodo is a magic French word.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Mukhang gusto rin na matutunan ng brother-in-law ni Erwan na si Nico Bolzico ang kakaibang paraan niya ng pagpapatulog kay Baby Dahlia.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, si Nico ay asawa ni Solenn Heaussaff at may isa silang anak na si Baby Thylane Katana o mas kilala ng netizens bilang Baby Tili.

Komento ni Nico sa Instagram post ni Erwan, “Teach me your ways master!”

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Nag-reply naman si Erwan sa komento ni Nico na talaga namang nagpatawa sa maraming netizens:

Ani Erwan kay Nico, “@nicobolzico you’re not worthy”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Narito naman ang komento ng ilang netizens sa adorable video ni Baby Dahlia:

“Playing the video over again and again [face with tears of joy emoji] kakatuwa naman si Dahlia”

“Hahahaha soooo cuuuuttteee video on replay”

Credit: Erwan Heussaff Instagram

“@nicobolzico i think someone’s better in putting their baby to sleep now HAHAHAHAHA”

“she is definitely French so cute haha”

Nitong November 2 lamang ay ipinagdiwang nina Anne at Erwan ang pagtungtong ni Baby Dahlia ng ika-8 buwang gulang.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

“Yesterday, marked 8 months of being with my real life Doll-Dahlia. So many milestones this month – one being crawling hence the STRUGGLE taking this picture and the need to put a toy to keep this super kulit & cheeky little coccinelle in place 🐞 I wonder if I’ll still be able to take a piccie next month? 😅 Love her to bits and pieces,” caption ni Anne sa kanyang Instagram post.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Nag-post din si Erwan ng letrato ni Baby Dahlia sa kanyang Instagram kung saan ay inamin niya na masaya siya dahil nakuha ng kanyang anak ang mga ngiti ni Anne.

Aniya, “Positive energy. I’m so happy she got her mom’s smiles.”

Kasalukuyan pa rin ngayong nananatili sa Australia sina Anne at Erwan simula pa December noong nakaraang taon.