Tignan ang nakakakilig na sweetness ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang magbakasyon sa Amanpulo

Nagbakasyon sa isla ng Amanpulo ang pamilya ni celebrity doctor Vicki Belo kung saan ay nakasama nila ang mga bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube        

Sa latest vlog ni Vicki ay ibinahagi niya ang Amanpulo escapade nila. Ayon kay Vicki napaka-espesyal umano nang pagpunta nila sa napakagandang isla dahil naka-bonding nila sina Matteo at Sarah.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Aniya sa description ng vlog, “Our Amanpulo escapade this year was made more special because honeymooners during that time Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli joined us for some sun and really good food especially that it’s Sarah’s first birthday celebration as Mrs. Guidicelli! Enjoy watching the video as much as we enjoyed doing this sweet adventure!”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Mapapanood nga sa vlog na iba’t ibang activity ang ginawa nila Vicki. Siyempre kasama ni Vicki ang kanyang asawang si Hayden Kho pati na rin ang kanilang napakagandang anak na si Scarlet Snow.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Unang ginawa nila pagdating sa isla ay i-enjoy ang napakagandang dagat nito at manood ng sunset.
Sa sumunod na araw ay nag-snorkeling naman sina Vicki kung saan ay highlight ang napakalinaw na tubig at napakayamang marine life ng isla. Makikita rin sa vlog ang sobrang ka-sweetan nina Sarah at Matteo sa isa’t isa.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Nag-enjoy din sila sa mga masasarap na pagkain na sini-serve ng resort kung saan sila nanatili.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Sa isang bahagi naman ng vlog, mapapanood ang pagpapakitang-gilas ni Scarlet sa pagkanta sa harap ng “The Voice” coach na si Sarah. Mukhang na-impress naman si Sarah sa pagkanta ni Scarlet at sinabing gusto umano niya ito sa kanyang team.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Habang sa sumunod naman na clip ay mapapanood ang hindi matigil na pag-iyak ni Scarlet matapos siyang masangkot sa isang ak$idente at masug@tan ang mga tuhod. Tumigil naman agad ito sa pag-iyak nang yakapin at halikan siya ng kanyang Daddy Hayden.

Namasyal din sa isla sina Vicki kasama sina Sarah at Matteo. Nagkaroon din ng pagkakataon sina Vicki na mag-coconut tree planting sa isla.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Sa huling bahagi ng video, ay mapapanood ang pagdiriwang nila sa kaarawan ni Sarah. Isang intimate dinner party ang inihanda nila para sa singer.

Samantala, maraming netizens naman ang kinilig matapos makita ang ka-sweetan nina Sarah at Matteo sa isa’t isa. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“Sarah G.is such a humble woman since everr.. I’m happy and Kilig na natagpuan niya ang husband na magmamhal s knya.. thank you Doc Belo for sharing your travel goals with us more vlogs to come. hugs and kisses to brave little angel Scarlett. 😘😘💚💙”

“Effortless magpakilig ang Ashmatt, simple actions nila towards each other are so special and you can feel the genuine love and respect…”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“My heart is happy seeing Sarah happy with you all, especially with Matteo. ❤️”