Tignan ang nakakatakam na food trip ni Vice Ganda sa Singapore na puno ng katatawanan

Sa pagpunta ng couple na si Vice Ganda at Ion Perez sa Singapore, hindi lamang pagsho-shopping sa mall ang kanilang ginawa dahil labis din silang nag-enjoy sa pagbisita ng iba’t-ibang restaurants.

Credit: Vice Ganda YouTube

Hindi talaga maipaliwanag nang lubos ang kasiyahan na nararamdaman natin sa tuwing kumakain tayo ng masasarap na mga pagkain. Marahil ay dahil ito sa ating cravings o sadyang kakaiba lamang talaga ang naibibigay na satisfaction kapag nakakatikim tayo ng iba’t-ibang cuisines at foods.

Maliban sa magagandang tanawin sa Singapore, kilala rin ang lugar sa kanilang yummy na local foods. Dahil sa masasarap na mga pagkain sa pinuntahang restaurants ng couple, talagang hindi natanggihan ni Vice at Ion ang temptation at kaagad na napa-mukbang!

Sa vlog na ibinahagi ni Vice kung saan ay pinamagatan niyang “VG is PG in SG,” mapapanood kung paano nila pinanggilan ni Ion ang lahat ng masasarap na mga pagkain. Sa kanilang unang pinuntahang resturant na “Jumbo Seafood,” nag-enjoy sa pagkain ng chili at black pepper crab ang couple.

Credit: Vice Ganda YouTube

Sunod naman nilang pinuntahan ay ang Henri Charpentier kung saan ay sinubukan ni Vice ang pagkain ng financiers na isa umanong “World Guiness Record Holder”.

Ikatlong stop naman ng couple ay ang Hawkers Centre na ayon kay Vice ay isa sa mga pinakagusto niyang puntahan dahil minsan na umanong nag-shoot dito ang sikat na pelikulang “Crazy Rich Asians”.

“Iyong Hawkers na tinatawag dito sa Singapore, ‘yun iyong parang food court nila kung saan kumain sila dun sa Crazy Rich Asians,” kuwento ni Vice.

Credit: Vice Ganda YouTube

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang “kain moment,” hindi naitago ng dalawa ang nangingibabaw nilang sweetness kung saan ay sobrang cute nilang pagmasdan habang pinapakain ang isa’t-isa.

Of course, hindi talaga kailanman mawawala ang biruan at harutan ng dalawa dahilan kung bakit mas doble ang saya ng kabuuang trip nila sa Singapore.

Credit: Vice Ganda YouTube

Hindi man masyadong inikot at binisita ang magagandang mga lugar sa Singapore, masaya at contented naman ang dalawa dahil nagawa nilang makapag-try ng iba’t-ibang mga pagkain.