Tignan ang nakakatawang reaksyon ni Anne Curtis matapos mahuli sa akto ng kanyang mister na si Erwan Heussaff sa isang supermarket

Huling-huli sa akto ng kanyang mister na si Erwan Heussafff ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis na may balak na kumuha ng tsokolate habang nasa grocery ito.

Credit: @erwan Instagram

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Erwan sa kanyang Instagram story kung saan makikita si Anne na namimili sa isang supermarket.

Nahuli kasi sa akto ni Erwan si Anne na tumitingin sa hanay ng mga tsokolate. Base na rin sa tono ni Erwan nang tanungin niya si Anne kung anong ginagawa nito mukhang umiiwas muna sila sa pagkain ng tsokolate. Kaya naman nang mahuli ni Erwan si Anne ay sobrang guilty ng reaksyon nito.

May caption pa ang nasabing video na inupload ni Erwan na, “Caught in the act”.

Credit: @erwan Instagram

Tila nga isang bata si Anne na nahuli ng kanyang mga magulang na kukuha sana ng tsokolate.
Pagkatapos, mahuli ni Erwan ay natawa na lamang si Anne.

Tawang-tawa naman ang maraming netizens sa naging reaksyon ni Anne matapos siyang mahuli ni Erwan.

Samantala, kamakailan lamang ay balik-Pinas na ang celebrity couple matapos ang mahigit isang taon na pamamalagi nila sa Melbourne, Australia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa kanilang pag-uwi ay kasama na nila ang kanilang unang anak na si Baby Dahlia Amèlie. Para sa mga hindi nakakaalam, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatapak sa Pilipinas si Baby Dahlia Amèlie mula nang ipanganak siya ni Anne sa Australia noong March 2020.

Dahil matagal-tagal din silang nalayo sa kanilang pamilya sa Pilipinas, kaya naman ginugol nila Anne at Erwan ang mga unang linggo nila sa bansa sa pakikipag-bonding sa kanilang pamilya.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa pagbabalik ng celebrity couple ay nakipag-bonding agad sila sa pamilya ng kapatid ni Erwan at matalik na kaibigan ni Anne na si Solen Heussaff. Sa kanilang mga social media update, ibinabahagi nina Anne at Solenn ang masaya nilang reunion.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Mas naging masaya rin ang muli nilang pagkikita dahil kapwa na sila may mga anak. Tulad ni Anne, may anak na rin si Solenn sa kanyang asawang si Nico Bolzico na si Baby Thylane. Pagkatapos nga ng qu@rantine nina Anne, ay kaagad na naglaro ang magpinsan. Kinaaliwan naman ng marami ang mga bonding moment ng pamilyang Heussaff at Bolzico lalo na ang pagbo-bonding nina Baby Dahlia Amèlie at Baby Thylane.