Tignan ang nakakatawang reaksyon ni Ellen Adarna nang gulatin ito ng kanyang fiance na si Derek Ramsay

Madalas na i-prank ng aktor na si Derek Ramsay ang fiancée at kapwa artista na si Ellen Adarna na kanyang ibinabahagi sa Instagram. Makikitang masayang-masaya at magkasundong-magkasundo ang dalawa sa kabila ng madalas na pangbibiro ng aktor.

Credit: @ramsayderek07 Instagram

Makikita sa nasabing video na ipinost ni Derek sa kanyang Instagram account na nakakubli sa madilim na parte ng hagdan ang aktor habang matiyagang nag-aabang sa papadaan na si Ellen. Nang makakuha ng tamang tyempo at makitang papaakyat na ng hagdan si Ellen ay ginulat niya ito.

Matagumpay ang nasabing prank dahil nakuha sa video ang pagkagulat ng aktres na panay-panay na pinapal0 si Derek habang walang humpay sa katatawa ang aktor.

Credit: @ramsayderek07 Instagram

Napansin naman ng mga netizen ang saya ngayon ni Derek sa piling ng kanyang fiancée.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

“I can see how happy you are with Ellen, super cute ninyong dalawa, lagi lang masaya,” komento ng isang netizen.

“Haven’t seen this version of Derek looking back sa mga videos niya till naging sila ni Ellen,” dagdag pa ng isang netizen.

Credit: @ramsayderek07 Instagram

Hindi naging madali sa dalawa ang isapubliko ang kanilang relasyon. Matatandaang sa pagpasok ng taong 2021, naging usap-usapan ang pagiging malapit ni Derek kay Ellen kung saan madalas noon makita ang dalawa na nagkakasama sa mga outing at gatherings kasama ang kanilang common friends.

Hindi naman nagtagal, kinumpirma din ng dalawa ang kanilang relasyon at mas naging bukas sa publiko ang kanilang kasweetan sa kabila ng kabilaang pambabatikos ng mga basher. Hindi maiwasan ng dalawa ang mabash ng ilang netizen na tila nabigla sa kanilang relasyon.

Credit: @ramsayderek07 Instagram

Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon lamang ng mabalitaan ang hiwalayan sa noo’y karelasyon ni Derek ng isang taon na si Andrea Torres.

Samantalang tumatak din naman ang naging relasyon ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz na ama ng kanyang 2 year old na anak na si Elias.

Credit: @ramsayderek07 Instagram

Gayunpaman, sadyang walang makakapigil sa dalawang pusong nag-iibigan dahil matapos kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon noong Pebrero, agad nilang isinapubliko ang kanilang engagement noong Marso 30.

Bukas man sa publiko ang mga naging relasyon ni Derek sa nakaraan, sinabi ng aktor na si Ellen ang kanyang “the one” na kanyang pakakasalan.