Tignan ang nangyari nang maging mag-nanay for a day sila Vice Ganda at Ivana Alawi!

Hindi talaga nauubusan ng ideas si Ivana Alawi dahil maliban sa katatawanan at katuwaang hatid niya sa bawat vlog, inaabangan din ng karamihan ang kanyang challenges. Kung noo’y ang kanyang Mommy Fatima at mga kapatid ang kasama, ngayon naman ay ang isa pa niyang Mommy na si Vice Ganda ang kasama niya sa kalokohan. Sa pagsasama nilang ito, ano na naman kaya ang bagong paandar ng dalawa?

Credit: Ivana Alawi YouTube

Isa sina Ivana Alawi at Vice Ganda sa mga sikat na celebrity sa lokal na industriya ng showbiz kaya naman halos hindi mapigilan ng karamihan sa atin na pigilan ang nararamdamang excitement nang ibinahagi ng Pinay vlogger ang collaboration nila ni Meme Vice na ngayon ay may mahigit dalawang milyong views na sa YouTube!

Hindi lamang simpleng bonding ang ginawa nina Ivana at Vice dahil may bago na namang challenge ang vlogger na wala namang pag-aalinlangang sinabayan ng “Unkabogable Star” na si Vice.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa challenge ni Ivana na “Mommy Challenge,” umarte bilang mag-ina ang dalawa kung saan ay ipinasyal ni Vice ang kanyang “anak” sa loob ng kanyang bahay, naglaro, at sinulit talaga nila ang buong araw.

Bukod dito, ipinakita din ni Meme Vice ang mamahalin at nakakamangha niyang mga gamit sa bahay kung saan ay talagang nag-enjoy si Ivana sa bawat kalokohang pinaggagawa nila.

Credit: Ivana Alawi YouTube

At dahil nagke-crave si Ivana ng bulalo, talagang pinaunlakan ni Vice ang hiling ng kanyang “anak” kaya naman matapos maglaro, nag-enjoy naman sa pagkain ang dalawa ng bulalo at corned beef.

Kahit na’y parehong kilala sa mundo ng showbiz, inamin ni Ivana na isa siyang fan ni Vice at talagang pinapanood umano niya ang bawat pelikula ng comedian. Isa sa pinakaborito ni Ivana ay ang “Praybeyt Benjamin”.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Habang tumatambay naman sa gilid na bahagi ng swimming pool, nabanggit ni Vice na nagagandahan talaga siya kay Ivana pero dahil kilala sa kanyang unkabogable jokes, may halo ring biro ang papuri ng komedyante.

“You’re so beautiful, my god. All the guys will fall in line and ask for a date. Your face is so beautiful. It has two eyes, one nose, two eyebrows, and two lips,” sabi ni Vice.

Credit: Ivana Alawi YouTube

At dahil inspired kay Britney Spears ang outfit ni Ivana, pinasayaw siya ng kanyang Mommy Vice ng “Baby One More Time” kung saan hindi nila napigilang tumawa nang tumawa.

Dahil sa Mommy-daughter bonding nina Vice at Ivana, matagumpay nilang napasaya at napatawa ang mga manonood.