Tignan ang napaka-bonggang 1st birthday photoshoot ng anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda na si Baby Zoe

Mag-iisang taon na ngayong darating na November 24 ang napakagandang anak nina TV actress Sofia Andres at professional car racer Daniel Miranda na si Zoe Natalia.

Credit: Sofia Andres Instagram

Nitong November 4 nga ay i-pinost ni Sofia sa kanyang Instagram ang bonggang pre-birthday photo shoot na ginawa nila para sa unang kaarawan ni Baby Zoe.

Credit: Sofia Andres Instagram

Napakagandang tingnan nina Sofia at Daniel sa mga larawan kasama ang kanilang munting prinsesa na si Baby Zoe.

Credit: Sofia Andres Instagram

Litaw na litaw ang ganda ng aktres sa suot niyang pink blush gown habang si Daniel naman ay piniling magsuot ng isang leather jacket. Nakakamangha rin ang kagandahan ni Baby Zoe sa suot niyang puting dress.

Bukod sa kanilang mga kasuotan, pinagpipiyestahan din ngayon sa social media ang mga larawan na ibinahagi ni Sofia dahil sa maganda at bonggang setup at lokasyon ng photo shoot.

Credit: Sofia Andres Instagram

Ginanap ang pre-birthday photo shoot ni Baby Zoe sa Palacio de Memoria sa Paranaque City na pagmamay-ari ng isa sa mga pinakamayamang angkan sa bansa, ang Lhuillier family.

Credit: Sofia Andres Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, si Daniel ay anak ni Angelique Lhuiller, isa sa mga anak ng diplomat at chairman ng Cebuana Lhuillier Pawnshop na si Philippe Lhuillier. Ang ama naman ni Daniel na si Martin Miranda ay isang professional racer din katulad niya.

 

View this post on Instagram

 

#ZoeNatalia1stbday

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Ang grand staircase ng pre-war restored mansion ay pinalibutan ng white at pink balloons at flowers.
Sa isa pang larawan ay mistulang isang reyna si Sofia na nakaupo sa isang throne chair katabi si Daniel na karga-karga si Baby Zoe.

Credit: Sofia Andres Instagram

Charming at cute na cute rin si Baby Zoe sa suot niyang red tulle dress. Agaw-atensyon ang mga solo picture ni Baby Zoe kung saan makikita ang kanyang matatamis na ngiti at nakakatuwang bungisngis.
Isa pang lokasyon ng kanilang photo shoot ay sa loob ng isang eroplano na pagmamay-ari ng lolo ni Daniel.

Credit: Sofia Andres Instagram

Samantala, mapapanood naman sa YouTube channel nila Sofia at Daniel ang pre-birthday video photo shoot ni Baby Zoe.

Umani naman ng maraming komento mula sa netizens ang pre-birthday photo shoot ni Baby Zoe. Komento ng netizens:

“THE MOST CUTEST PRETTY DROP DE@D GORGEOUS BABY IN TOWN goes to ZOE MIRANDA🌹 😍😍😍😍😍”

“Reasons why I’m always excited whenever Sofia and Daniel had a story in their IG’s, hope it’s zozo, graabeee pampatanggal ng stress yung ka kyutan nya”

Credit: Sofia Andres Instagram

“SHE’SSS SOO ADORABLEE AND PRETTY LIKE HER MOM😩🥺🥺🥺”

“She’s so cute 😍. Thanks Sofia and Daniel for sharing us this cute lil girl of yours ❤️, she made my day all the time i see her 😍. Wishing her all the best in life and good health iloveyouuuu zoe 😚”

Credit: Sofia Andres Instagram

“This is the reason y i follow her on ig.. she is so adorable! 😍”