Tignan ang napaka-cute na baby ni Carlo Aquino na si Baby Enola Mithi

Ngayong 2020 ay marami sa mga hinahangaan nating Pinoy celebrity ang naging isang ganap na magulang.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram     

Isa sa mga ito si TV actor Carlo Aquino na kamakailan lamang ay winelcome ang kanyang unang anak na si Baby Enola Mithi sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

Matatandaang noong September 13 ay sinurpresa ni Carlo ang kanyang mga tagahanga nang mag-post siya sa kanyang Instagram ng close-up photo ng isang sanggol.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Sa caption, ay inanunsyo ni Carlo na ang sanggol na nasa letrato ay ang anak nila ni Trina.
“You can thank your stars all you want but Ill always be the lucky one. Enola Mithi Aquino @trinacandaza,” caption ni Carlo sa kanyang Instagram post.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Samantala, mahigit isang buwan ang makalipas simula nang siya ay maging isang ganap na daddy, ini-enjoy ngayon ni Carlo ang mga sandali na kasama niya ang anak.

 

View this post on Instagram

 

Who do I look like? My mom or dad? 🤔 swipe left 😊

A post shared by Enola Mithi Candaza Aquino (@enolamithi) on

Sa kanyang mga social media post, ay kapansin-pansin ang pagiging sweet ni Carlo sa anak. Madalas mag-post si Carlo sa Instagram ng sweet bonding moments nila ni Baby Enola Mithi.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Sa Instagram account naman ni Baby Enola Mithi ay tampok ang kanyang napakaraming cute baby photo simula sa kanyang ultrasound picture hanggang sa ngayon na mahigit isang buwang gulang na siya.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Siyempre hindi rin mawawala ang mga letrato ni Baby Enola Mithi kasama ang kanyang Daddy Carlo. Nitong October 20 lamang, ay isang adorable na Baby Enola Mithi ang nasilayan ng netizens katabi ang kanyang Daddy Carlo.

Base sa caption ng letrato, mukhang kagigising lamang ni Baby Enola Mithi at ang kanyang Daddy Carlo agad ang kanyang nakita. Caption ng IG photo, “Mornings with daddy”

Sa isa pang larawan ay makikita si Baby Enola na cute na cute suot ang isang kulay pink na Personal Pr0tective Equipment habang karga ng kanyang Daddy Carlo.

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

Ayon sa caption, nagpunta sa isang clinic ang mag-ama para pabakunahan si Baby Enola Mithi.
Samantala, Maraming netizen naman ang aliw na aliw at talagang nacu-cute-an kay Baby Enola Mithi.
Komento ng netizens:

“So cute baby @enolamithi 😍❤️❤️❤️”

 

View this post on Instagram

 

Mommy making me laugh and Me making her happy 😄 Thank you tita @arlenergarcia for my onesie ☺️

A post shared by Enola Mithi Candaza Aquino (@enolamithi) on

“Cute mo baby Enola❤️ cute din Ng name parang si Enola Holmes 😂”

“anu po meaning ng name nya… ang cute”

Credit: Enola Mithi Candaza Aquino Instagram

“Wow ang cute @enolamithi …aba aba lumalaki nagiging kmukha ng tatay caloy ❤️😍@jose_liwanag hehe”