“Still feels like a dream.”
Ganito kung ilarawan ni first-time mom Assunta de Rossi ang kanyang nararamdaman ilang linggo matapos nilang winelcome ng kanyang asawang si Jules Ledesma ang kanilang anak na si Baby Fiore.

Pinangalanan nina Assunta at Jules ang kanilang newborn baby na Giulia Fiorentina Alessandra o mas kilala rin sa kanyang palayaw na “Fiore” na nangangahulugang “flower” sa Italian.
Itinuturing na “miracle baby” nina Assunta at Jules si Baby Fiore. Sa kabila kasi ng mga iniindang sakit ni Assunta ay nagawa niya pa ring magbuntis sa normal na pamamaraan. Inamin na ni Assunta noon na mayroon siyang my0ma at end0metriosis na dahilan kung bakit nahihirapan siyang magkaanak. Kaya naman para sa kanya isang himala talaga na maituturing ang kanyang pagbubuntis.

Noong inanunsyo ni Assunta sa isang Instagram post nitong May 5 na siya ay buntis sinabi niya, “Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle.”
Ngayon nga na naipanganak na niya ang kanyang anak ay pakiramdam ni Assunta na parang isang panaginip pa rin ang lahat.
“Still feels like a dream,” sulat ni Assunta sa isang Instagram post.
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ni Assunta na ipinanganak niya nang mas maaga si Baby Fiore. Ayon kay Assunta, November 5 pa sana ang kanyang due date ngunit isinilang niya si Baby Fiore noong October 23.
Ikwenento rin ni Assunta na ang “Giulia” sa pangalan ng kanilang anak ay hango sa paternal-great-grandfather nito na si Don Julio.

Samantalang ang “Fiorentina” naman ay pinili ng mag-asawa bilang pagkilala sa paternal-great-grandmother ni Baby Fiore na si Doña Florentina.
Hango naman sa pangalan ng nakababatang kapatid ni Assunta na si TV actress Alessandra de Rossi ang “Alessandra” sa pangalan ni Baby Fiore.

Halos 20 taon din na hinintay nina Assunta at Jules si Baby Fiore.
Si Baby Fiore rin ang unang apo ng mga magulang ni Assunta kaya naman excited din ang mga ito sa kanilang apo.
Sobrang saya naman ni Alessandra dahil sa wakas ay isa nang ganap na mommy ang kanyang Ate Assunta.

Sa katunayan, sa Instagram account ng mga ito ay makikita ang maraming pictures ni Baby Fiore.
Makikita naman sa mga larawan na ibinabahagi ni Assunta ang pagkakahawig ni Baby Fiore sa kanyang Daddy Jules. Kapansin-pansin naman ang sobrang tangos na ilong ni Baby Fiore.
Base na rin sa mga larawan ay mukhang nakuha ni Baby Fiore ang mata ni Assunta.

Sa huli, labis na nagpapasalamat si Assunta sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maging isang ina.
Matagal man itong dumating sa kanila, masasabi pa rin ni Assunta na worth it ang paghihintay niya sa anak na aniya, nagbigay sa kanya ng pag-asa.