Tignan ang napaka-gwapong pangalawang baby boy ni Isabelle Daza at foreigner husband!

Nang unang nasilayan ng netizens ang mukha ng ikalawang anak ni Isabelle Daza ay kaagad nila itong pinagkaguluhan dahil sa nag-uumapaw na cuteness nito.

Credit: @isabelledaza Instagram

Simula pa man sa panganay na anak ni Isabelle ay matagal-tagal rin bago napagdesisyunan ng aktres na ipakita ang mukha ng anak sa social media.

Sa kanyang story sa Instagram noong taong 2018 kung saan nagbahagi siya ng iilang mga larawan ng anak nang hindi ipinapakita ang mukha nito ay binigyan niyang linaw ang matagal na tanong ng netizens at ng kanyang fans.

“Maybe it’s cause I was so scared he would be judged by how he looked,” ayon kay Isabelle.

Nito lamang Abril nang isinilang ni Isabelle ang ikalawang anak nila ng asawang si Adrien Semblat na si baby Valentin sa Hongkong. Matapos ang limang buwan simula nang ito’y isilang ay tsaka pa lamang ipinakita ni Isabelle ang gwapong mukha ng anak sa Instagram.

Credit: @isabelledaza Instagram

Kasabay ng ikalimang anibersaryo ni Isabelle at ni Adrien bilang mag-asawa kung saan ay nagbahagi siya ng isang larawan na kuha sa kanilang kasal noong taong 2016 kalakip ng larawan ni baby Valentin na tutok na tutok sa harap ng kamera habang naka-pout.

“5 months of Valentin and 5 years of marriage. 💫” Sulat ni Isabella sa kanyang caption.

Katulad sa naging reaskyon ng netizens sa ginawang “face reveal” ni Isabelle sa kanyang panganay noon ay nanggigigil din ang mga ito ngayon sa “cuteness” at pagiging “adorable” ni baby Valentin.

Sa labis na kacute-an ni baby Valentin ay hindi napigilan ng kapwa celebrities at iilang malalapit na kaibigan ni Isabelle sa showbiz na magkomento at puriin ang kagwapuhan ng baby boy ng aktres.

Credit: @isabelledaza Instagram

“Hey cutie cutie!” gigil na komento ni Anne Curtis.

“So gwapooo!!!😍” sabi ni Bela Padilla.

“OMG. Sooo cute Belle 😍” komento naman ni Bianca Elizalde.

“Cutie pie!! Same timeline 🐣” sabi naman ni Patti Gradidge Herrera.

Credit: @isabelledaza Instagram

Katulad ng kanyang Kuya Balthazar ay namana rin ni baby Valentin ang good looks ng kanyang Mommy Isabelle at Daddy Adrien. Of course, hindi na rin ito palaisipan dahil talagang nananalaytay na sa kanilang dugo ang pagiging “gorgeous”.

Simula pa lamang sa kanilang Lola na si Gloria Diaz, ang kauna-unahang Filipina na naging “Miss Universe,” sa kanilang Mommy na isa sa mga kinikilalang magandang aktres sa industriya ng showbiz, at sa kanilang Daddy Adrien na isang gwapong European ay talagang natural lamang para kay Balthazar at baby Valentin ang pagiging gwapo.