Matapos ang kanyang photoshoot na may theme na Air, Fire, at Earth, muli na namang pinabilib ni Dimples Romana ang netizens sa resulta ng kanyang pinakahuling maternity photoshoot kung saan Water naman ang theme.
Credit: @dimplesromana Instagram
Sa pinakabagong post ni Dimples Romana sa kanyang Instagram account, makikita sa mga larawan na nasa ilalim siya ng tubig habang nagsta-strike ng iba’t-iba at nakaka-wow na pose habang suot ang kulay asul na tulle dress.
“WATER 🌊 The last of our four elements maternity shoot,” sulat ni Dimples sa unang bahagi ng kanyang caption.
At dahil naka-submerge sa tubig, naaayon din sa concept ng kanyang photoshoot ang kanyang pahayag kung saan ay nagsalita siya tungkol sa pakikipagaban sa malalaking alon ng problema sa buhay.
Credit: @dimplesromana Instagram
“Do you ever feel like you’re drowning and you can’t seem to find the light? May it be in love, in life, in desire. We all are fighting battles no one knows about,” ayon sa aktres.
Tunay nga na lahat tayo ay may nilalabanang problema sa buhay at minsan na rin nating naranasan na para bang wala na itong katapusan o unti-unti na tayong nawawalan ng pag-asa na mareresolba pa natin ito dahilan kung bakit feel na lamang natin magpakalunod sa alon na dala-dala ng tragedy ng buhay ngunit ayon kay Dimples, kailangan nating magpatuloy sa pakikipaglaban at maniwala na lahat ng problema ay malalagpasan din natin.
Credit: @dimplesromana Instagram
“I pray today that whoever is reading this and is feeling the weight of the waves on your shoulder and you feel like giving up, STAY, KEEP FIGHTING , KEEP SWIMMING, we are part water anyway. DANCE with the waves,” pag-eencourage niya sa netizens.
Dagdag pa ng aktres, “And as they say, let the waves carry you where the light cannot. I’m with you in prayer 🌊”.
Kung marami na sa netizens ang nakakaramdam ng paghanga dahil sa kakaibang maternity shoot ni Dimples, marami naman sa kanyang fans ang napapabilib dahil kalakip ng kanyang aesthetic na concepts ay ang mga makabuluhang mensahe na talaga namang nag-eencourage sa karamihan na bagama’t sobrang dami man ng problema sa buhay, hindi dapat tayo makakalimot na sa huli, mararanasan din natin ang kasaganahan.
Credit: @dimplesromana Instagram
Ngayon na kumpleto na ang “Four Elements Maternity Shoot” ni Dimples Romana, ano na naman kaya ang magiging concept niya sa susunod na photoshoots?