Tignan ang napakalaking bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo kung saan masisilayang ang napakagandang view

Marami sa mga artista ngayon ang proud na ipinapakita sa publiko ang kanilang bahay, hindi para ipagyabang ngunit para magsilbing inspirasyon na sa pamamagitan ng pagsisikap ay kayang makamtan ang mga pinapangarap sa buhay.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram         

Isa ang aktor, komedyante at TV host na si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV or mas kilala ng lahat bilang Paolo Ballesteros sa mga nagpapatunay na kapag may tiyaga ang isang tao, matutupad ang mga bagay na pinapangarap nito.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Unang pinaglaanan ni Paolo ang pagpapagawa ng kaniyang bahay. Inuna talaga ni Paolo na makapagtayo ng bahay bilang isang investment na rin. Isa ang bahay sa mga ari-arian na hindi bumababa ang halaga sa paglipas ng panahon bagkus ay tumataas pa ang halaga nito.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Ipinatayo ni Paolo ang kaniyang itinuturing na “Home of Pride” sa Antipolo City.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Kapansin-pansin sa mga larawang ibinabahagi ni Paolo sa kaniyang social media ang magandang istruktura ng kaniyang bahay.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Madalas maging background ng mga larawang ipinopost ni Paolo sa Instagram ang kaniyang bahay. Kitang-kita na malaki at maluwang ito. Moderno din ang arkitektura ng bahay na mayroong mga glass window.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Mahilig si Paolo sa fashion at pagme-make up kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit napakalaki ng walk-in closet nito na lagi niyang ibinabalandra sa kaniyang social media.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Produkto na nga ito ng pagsisikap ni Paolo bilang isang artista.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Madalas nating makita si Paolo sa telebisyon bilang isang host ng longtime noontime show ng GMA na Eat Bulaga.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Bukod dito ay may YouTube channel din si Paolo kung saan ay ibinabahagi niya ang kaniyang mga make-up transformation at tutorial.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Marami na rin itong pinagbidahang pelikula katulad ng Die Beautiful (2016), My 2 Mommies (2018) The Panti Sisters (2019), at Born Beautiful (2019).

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Samantala, sa mga hindi nakakaalam ay bisexual si Paolo ngunit mayroon itong isang anak sa dating girlfriend na si Kaye Nevada. Kagaya ng ibang ama, ay hands-on sa pag-aalaga si Paolo sa kanyang anak na si Keira Claire na 11 taong gulang na.