Isa si Kapamilya actress Julia Montes sa may pinakamagandang mukha ngayon sa Philippine showbiz industry.

Sa kanyang taglay na napakagandang mukha at galing sa pag-arte ay hindi na nakapagtataka kung bakit maraming kalalakihan ang nabibighani sa aktres.
Nitong September 30, ay ginulat ni Julia ang kanyang tagahanga ng ipakita niya sa Instagram ang kanyang ‘new look’.

Pinusuan ng netizens ang larawan na ipinost ni Julia sa kanyang Instagram kung saan makikita ang kanyang blonde hair. Fresh-looking at napakaganda ng aktres sa kanyang bagong kulay na buhok.
Caption ni Julia sa IG post, “I have everything I need to be happy”

Sa isa pang hiwalay na post ay litaw na litaw ang kagandahan nito sa kanyang blonde hair. Ani Julia sa caption ng IG post, “Don’t let the behavior of others destroy your inner peace”.
View this post on Instagram
Don’t let the behavior of others destroy your inner peace ☮️ ❤️😊 by peacefulmindpeacefullife
Kapansin-pansin din sa larawan ang nararamdamang ‘happiness’ at ‘contentment’ ni Julia ngayon.

Bumaha naman ang papuri para kay Julia mula sa kanyang mga kasamahang artista sa industriya. Kabilang sa mga pumuri sa ‘new look’ ng aktres ay sina Louise de los Reyes, Jodi Sta. Maria, Erich Gonzales, Karen Reyes at Neri Miranda at marami pang iba.
Komento ni Louise, “ANG GANDAAA!!!”
Sabi naman ni Jodi Sta. Maria, “Beautiful jules!”
Ani Erich, “So beautiful, Jules”

Puri ni Karen, “huhuhu napakaganda mo! I loooove you! hihihi”
Sinang-ayunan naman ito ni Neri, “Ang ganda ganda naman ng batang ituuuu”

Samantala, kamakailan lamang ay nag-enroll si Julia sa isang online course sa Southville International School and Colleges.
Ito ang paraan ng aktres para gawing isang oportunidad ang kri$is na ating nararanasan ngayon. Saad ni Julia sa caption, “Here’s to a new journey FROM HOME! I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school.”

Dagdag ni Julia, “This is how I turn a cr!sis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time. Indeed, education is a lifelong venture.”
Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala sa kanyang stage name na Julia Montes ay isang Filipino-German actress.

Nagsimula bilang modelo si Julia. Taong 2001 nang magsimula siyang umarte sa ilang Kapuso teleserye.
Noong 2005, lumipat si Julia sa ABS-CBN kung saan naging regular cast siya ng children sketch comedy show ng Kapamilya network na “Goin’ Bulilit”.

Taong 2010 ay nagkaroon ng malaking break sa kanyang acting career si Julia nang mapabilang siya sa mga bida ng “Mara Clara” kung saan ay gumanap siya bilang si Clara de Valle.