Tignan ang seryosong pageehersisyo ni Yassi Pressman para sa mas healthy na pangangatawan!

Maliban sa sandamakmak na opportunities na madalas na natatanggap ng celebrities pati na rin sa likod ng kanilang glamorosong outfits sa tuwing may dinadaluhang events ay ang matinding pressure dahil konting pagbabago lamang sa pisikal nilang aspeto, daan-daang negatibong mga komento na ang kanilang natatanggap pero ngayon, unti-unti nang napupukaw ang paninindigan nila para sa kanilang sarili.

Credit: @yassipressman Instagram

Hindi talaga nawawala ang bashers lalo na sa mundo ng showbiz dahil kadalasan lang namang nabibiktima ng mga ito ay ang mga sikat na TV personalities pero ibahin niyo ang nag-iisang Yassi Pressman dahil imbes na sumunod sa constructed na standards ng karamihan ay mas pinili niyang magpakatotoo sa sarili.

Maliban sa pagkakakilanlan ni Yassi Pressman bilang isang versatile at talented na aktres, hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagiging “fitness ethusiast” niya kaya nakakapanibago talaga ang pag-gain niya ng weight noong 2021. Marami pa nga sa netizens ang nambatikos sa aktres pero imbes na panghinaan ng loob, ipinagsawalang-bahala lamang ito ni Yassi at buong lakas pa nga na ibinahagi sa madla na proud siya sa kanyang “thiccness” at freeing umano sa pakiramdam na hayaan ang sarili sa pagbi-binge eating.

Credit: @yassipressman Instagram

Regardless sa natanggap niyang mabigat na pamba-bash, napagtanto ni Yassi na gusto niyang manumbalik ang kanyang fit na katawan kaya simula noong January 2022, muli siyang nagsimula sa kanyang “fitness journey.”

“On my fitness journey with @darrenliufitness & @carlos.hellstern ~ I woke up one day from my fitness “hibernation” & decided to get back on track,” sulat ng aktres sa kanyang caption.

Makalipas nga ang isang taon, ibinahagi ni Yassi sa Instagram ang sariling progress at proud nga na ibinida ang kanyang pagbabalik alindog. Sa video na ibinahagi niya, makikita ang matinding difference sa katawan niya noon at ngayon. Ipinasilip din niya ang iilan sa workouts na ginawa niya katulad na lamang ng jogging, boxing, weightlifting, de@d hangs at iba pa.

Credit: @yassipressman Instagram

“This time last year VS now. It’s been up and down, but that’s okay. Be kind to your body, Be kind to your mind. Never give up on YOU. When you fall, pick yourself up. Keep going. #YassLetsGetIt 💪🏻,” pahayag ng aktres sa kanyang caption.

Inatake man ng bashers noong kanyang “fitness hibernation” era, nganga naman ang lahat ngayon sa kanyang pagbabalik alindog!