Unang umugong ang itinayong talent agency ni Maja Salvador ng nag-come back ang sikat na aktor na si John Lloyd Cruz mula sa kanyang mahabang pamamahinga.
Credit: @milesocampo Instagram
Ngayon nga ay marami nang mga artista ang sumusunod sa yapak ni John Lloyd at isa na nga rito ang dating Goin Bulilit child star na si Miles Ocampo.
Kamakailan ay nagpost si Miles sa kanyang Instagram account ng isang video kung saan ay sumasayaw siya sa awitin ni Doja Cats na “Woman”. Kalakip ng kanyang post ang caption na nagaanunsyo ng pagsali niya sa kanyang bagong pamilya at ito nga ang talent agency ni Maja.
Kung nakilala noon si Miles sa kanyang cute na imahe at magaling na pagpapatawa noong siya ay bata pa lamang, ngayon naman ay mas mature at f!erce na Miles ang masisilayan sa kanyang video.
Kasunod ng video ay nagpost din si Miles ng mag letrato mula sa kanyang photoshoot na nagpapakita ng mas “woman” na imahe niya.
View this post on Instagram
Marami ang mga kasamahan sa showbiz ni Miles na nagkomento sa kanyang post.
“I LOVE THIS!!” ito ang sinabi ng kanyang kapwa Goin Bulilit star na si Kathryn Bernardo.
Credit: @milesocampo Instagram
“Ganda!!!!!!!!❤️❤️❤️👏🏼👏🏼👏🏼 galing mo woman miles!!!!!🔥🔥🔥🔥🙌🙌🙌” binati naman ni Kim Chiu ang angking ganda ni Miles at ng video na kanyang ipinost.
Bukod dito ay may mga netizen din ang napamangha ni Miles. May isang netizen ang nagtanong sa kanyang komento kung mayroon pa bang hindi alam na gawin si Miles dahil sa ipinakita nitong galing din sa pagsayaw.
“grabe naman po yown 😳🔥 ano pa kaya ang di mo kayang gawin miss maam?”
Credit: @milesocampo Instagram
Meron ding nagsabing matagal na niya inaabangan ang pagbabalik ni Miles sa dance floor.
“🔥🔥🔥Congrats… tagal n panahon kong hinintay n makita ka ulit s dance floor…🥰🥰🥰”
Credit: @milesocampo Instagram
Sa kasalukuyan ay abala si Miles sa kanyang sitcom na pinamagatang “Happy Together”. Sa naturang sitcom na mapapanood sa GMA7 ay kasama ni Miles ang aktor na si John Lloyd Cruz.