Tignan ang unang family photoshoot nila Dianne Medina at Rodjun Cruz kasama ang gwapo nilang baby na si Rodolfo Joaquin

Sumabak sa kanilang first family photo shoot ang mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz kasama ang kanilang first baby na si Rodolfo Joaquin Diego III.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Nitong October 6, ay ibinahagi ng Nice Print Photo sa kanilang Facebook page ang mga larawan kuha mula sa first family photo shoot nina Dianne at Rodjun.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Napakagandang tingnan ng first-time parents at ni Baby Joaquin suot ang kanilang matching outfits.
Hindi maitatago sa mga mukha ng first-time parent ang kanilang kasiyahan sa pagdating ng kanilang panganay na anak.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Sobrang ganda rin ng ngiti ni Rodjun habang karga ang kanyang anak na lalaki. Nagkaroon din ng solo photo shoot si Baby Joaquin. Cute na cute si Baby Joaquin habang nakabalot sa isang piraso ng tela.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Sa isang larawan, ay makikita si Baby Joaquin na suot sa kanyang mga daliri ang wedding ring ng mga magulang.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Sa kanyang mga solo picture, ay litaw na litaw ang kagwapuhan ni Baby Joaquin. Kagaya ng mga magulang ay artistahin din ang mukha nito.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Maraming netizen ang pinuri ang kagwapuhan ni Baby Joaquin. Bumaha rin ng congratulatory messages para kina Dianne at Rodjun ang Facebook post ng Nice Print Photo. Komento ng netizens:

“Super duper cute baby nila. Godbless our family rodjun and dianne”

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

“Wow congrats rodjun and diane npaka gwapo at cute ng baby nyo”

“cute ng baby nla parang cla lng mag-asawa”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Pogi naman po baby nio mna sa ama”

“cute nung baby”

“ang gwapo ni baby”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Samantala, nitong October 10 lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-33 kaarawan si Rodjun.

Ipinagdiwang din ng mag-asawa ang pagtungtung ng isang buwang taong gulang ni Baby Joaquin. Matatandaang September 10 nang isilang ni Dianne si Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Rodjun sa kanyang Instagram account, makikita ang matching tie-dye shirt nina Dianne, Rodjun at Baby Joaquin.

Caption ni Rodjun sa IG post, “Thank you so much Lord for blessing me more than I deserve. Evey day is a gift and a blessing, to wake up and to witness all your wonderful miracles. Make the most of each and every day.”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Dagdag ni Rodjun, “I am truly gratefull to be celebrating my birthday with my beautiful family.”

Ikinasal ang mag-asawa noong December 21, 2019 sa Manila Cathedral. April ngayon taon naman ay ibinalita ng mag-asawa na buntis si Dianne kay Baby Joaquin.