Tili Bolzico, kinaaliwan dahil sa sobrang kasabikan na salubingin at bumili ng paborito niyang Taho

Isa sa mga ipinagmamalaking meryenda nating mga Pilipino ay ang Taho. Sa katunayan, kahit saan sa Pilipinas ay may makikita tayong nagbebenta nito. Kaya naman hindi na kataka-taka na ang pagkain ng taho ay naging bahagi na ng ating kabataan, mula noon magpahanggang ngayon.

Credit: @nicobolzico Instagram

Pero sino nga ba naman ang hindi magugustuhan ang taho? Sa masarap nitong timpla na pasok sa panlasa ng marami, kaya marami sa atin ang talagang hinahanap-hanap ito. Wala namang dapat ikabahala iyong mga mahihilig sa taho dahil marami pa rin ang mga nagbebenta at naglalako ng taho sa mga kalsada at kabahayan.

Kahit kasi sa isang exclusive subdivision kung saan nakatira ang sikat na celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, may araw-araw ding naglalako ng taho. Bongga, ‘di ba?

Credit: @nicobolzico Instagram

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit isa ang taho sa mga paboritong kainin ng anak ng celebrity couple na si Baby Tili.

Kamakailan lamang, nag-viral ang video na ibinahagi ni Nico sa kanyang Instagram story kung saan mapapanood si Baby Tili na tumatakbo para salubungin ang maglalako ng taho na si Kuya Henry.

Mukhang tuwing umaga ay inaabangan ni Baby Tili si Kuya Henry dahil kilala na niya ito. Sa video, makikita ngang excited na tumakbo si Baby Tili papunta kay Kuya Henry. Magiliw pang binati ng “Good Morning” ni Baby Tili si Kuya Henry na talagang nakaka-touch panoorin.

Credit: @nicobolzico Instagram

Samantala, sa sumunod na eksena ay mapapanood si Baby Tili na maganang kinakain at hinihigop ang matamis na sabaw ng paborito niyang taho.

Caption pa ni Nico sa video, “Higup for the win…”

Credit: @nicobolzico Instagram

Talaga namang nakaka-good vibes na makakita ng isang bata na tila hindi sanay kumain ng streetfood ngunit maganang kumakain ng taho.

Kaya naman maraming netizens ang tuwang-tuwa kay Baby Tili lalo na at sobrang hilig niyang kumain ng taho na talagang nasa kultura at tradisyon na nating mga Pilipino. Komento nila:

“We have the same favourite.. and i also have a big cup .. i also buy from my favourite magtataho”

“Awww, so cute Tili that you love taho! Buti di ka maselan”

Credit: @nicobolzico Instagram

“Cute, may pa good morning pa sia kay Kuya.”

“I feel you baby tili, favorite ko din ang taho”