Ngayong araw, April 23, ay nagdiriwang ng kanyang ika-36 na kaarawan ang tinaguriang “real-life” Darna ng Pilipinas na si Angel Locsin. At sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, ay isang initiatibo ang ginawa ni Angel para bigyang pagkilala ang pagtutulungan o pagbabayanihan ng mga Pilipino ngayong panahon ng kris!s.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Nakiisa si Angel sa mga taong nagbukas ng community pantry o isang lugar kung saan libreng makakakuha ng mga pagkain, gamot at ilang essential goods ang kahit sino man sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa isang Facebook post, inanunsyo ni Angel na welcome ang kahit sino man sa itinayo niyang community pantry sa Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Ayon sa nasabing post ni Angel, bukas ang ipinatayo niyang community pantry mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ngayong araw.
“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here 👉🏻 Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City From 10am-4pm or until supplies last,” ani Angel sa kanyang post.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Paalala naman ni Angel para sa lahat ng pupunta sa kanyang community pantry na sundin ang mga pr0t0col na inilatag nila para sa kal!gtasan ng mga ito.
Ani Angel, “Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols 🙂 Salamat po! PS Volunteers have been tested.”
Bumuhos naman ang birthday messages ng ilang supporters ni Angel. Mensahe nila sa kanilang iniidolo:
Credit: @therealangellocsin Instagram
“Wow… Wish u all the best in life idol.. Mag cecelebrate ka ng bday mo sa pamamgitan ng pagtulong.. Sa kapwa sana lahat ganyan ang kaispan mga nakaka angat sa buhay love u po happy bday😘🎉🎉🎊🎂🎂”
“Beautiful inside and out so much respect for you ms .angel locsin.you have been an angel to the lives of many filipinos.”
Credit: @therealangellocsin Instagram
“Your an angel from heaven advance happy birthday ur always an inspiration to others to do good things and deeds may ur be bless more so can give ang help more in whatever ways it may be. Godbless and stay safe…”
“Happy birthday idol Angel,, stay safe,,napakabait mo talagah always kang tumutulong sa mga mahihirap,,god bless”