Unang isinapubliko ng aktres na si Meryll Soriano ang pagbabalikan at pagkakaroon nila ng anak ng aktor na si Joem Bascon noong Bagong Taon.
Credit: @planetumboshi Instagram
Isang pasab0g ang paglalantad ni Meryll na nagkabalikan sila ni Joem matapos ang isang dekada noong nagwakas ang kanilang isang taong relasyon.
Matatandaan na noong 2010 ay nagkaroon ng relasyon sina Meryll at Joem na umabot lamang ng isang taon.
Nagkahiwalay nga sila at nagkaroon naman ng panibagong relasyon si Joem. Naging kasintahan ni Joem ang vlogger na si Crisha Uy hanggang noong December 2019 ay kinumpirma niya na nagtapos na ang kanilang relasyon na nagtagal din ng 8 taon.
Credit: @planetumboshi Instagram
Kaya naman nang ibahagi ni Meryll ang litrato nila ni Joem kasama ang kanilang sanggol noong January 1 ay umani ito ng samu’t saring komento.
At ilang buwan lamang ang makalipas matapos ang kanilang malaking rebelasyon ipinakita naman ni Meryll sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng unang baby nila ni Joem.
Matagal ding hinintay ng marami ang pagre-reveal ni Meryll sa mukha ng anak nila ni Joem. Nitong March 5 nga ay ipinakita na nito ang mukha ng kanilang anak na talaga namang napaka-cute at napaka-pogi!
Ipinost ni Meryll sa kanyang Instagram ang close-up picture ng kanilang baby na may caption na “Good morning good morning! Milk-u monsteru!”
Credit: @planetumboshi Instagram
Samantala, hanggang ngayon ay wala pang ibinabahaging detalye si Meryll tungkol sa pangalan ng kanilang unang anak at kung kailan ito ipinanganak.
Gayunman, isang litrato ang ibinahagi ni Meryll noong February 18 kung saan makikitang may hawak na cake si Joem na may nakasulat na “2 MONTHS”.
Credit: @planetumboshi Instagram
Base na rin sa litrato ay mukhang December 2020 isinilang ni Meryll ang unang anak nila ni Joem.
Sina Meryll at Joem ay unang nagkatrabaho sa Kapamilya teleserye na “I Love Betty La Fea” taong 2008. Sa nasabing teleserye rin nagsimula ang kanilang pag-iibigan.
Bago nito, ikinasal muna si Meryll sa aktor na si Bernard Palanca noong 2006. Napawalang bisa naman ang kanilang kasal noong 2015.
Credit: @planetumboshi Instagram
Si Meryll ay may isang anak kay Bernard na ngayon ay isa nang binata na si Elijah.