Tingnan ang bonggang baby shower ni Zeinab Harake para sa kanyang baby #1 na ginanap sa Subic

Marami na ang mga magulang na nagsasagawa ng mga baby shower ngayon para ipagdiwang ang paparating nilang anak. Ang mga baby shower ay mahalaga rin para sa mga soon-to-be parent dahil ito ang panahon kung saan ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan ay magbibigay ng kanilang mga regalo para sa baby.

Credit: Zeinab Harake Instagram        

Kadalasan namang ibinibigay sa mag-asawa tuwing baby shower ay mga gamit na makakatulong sa baby tulad ng mga damit pambata, diapers at marami pang iba.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Bongga naman ang naging baby shower ni YouTube star Zeinab Harake para sa unang anak nila ni Daryl Ruiz a.k.a. Skusta Clee na mapapanood sa kanyang latest vlog.

Present sa baby shower ni Zeinab ang kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan. Kabilang sa mga naging bisita ni Zeinab sa kanyang baby shower ang mga kapwa niya YouTuber na sina Donnalyn Bartolome, Loisa Andalio at Jelai Andres. Ginanap sa Subic Park Hotel sa Olongapo, Zambales ang baby shower ni Zeinab.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Sa simula ng kanyang vlog sinabi ni Zeinab na isa sa mga pinakamagandang event ng kanyang buhay ang kanyang baby shower.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Dumaan din umano silang lahat sa c0vid t3sting para masigurado na safe ang baby shower party nila.

Ani Zeinab, “Strictly nagpa-t3st kami dahil na rin sa sitwasyon ko kasi nga dalawa na kami so hindi ko lang dapat pangalagaan ang sarili ko pati na rin ang baby.”

Credit: Zeinab Harake Instagram

Napuno naman ng tawanan at kulitan ang baby shower ni Zeinab sa pangunguna ni Awra Briguela na isa sa mga host ng baby shower party.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Samantala, isa-isa namang nagbigay ng mensahe ang mga kaibigan ni Zeinab.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Ani Donnalyn, “Alam mo nakakaasar itong si Zeinab inunahan ako sa baby shower niya. Girl, dapat kami ang nagto-throw ng baby shower sa’yo! Pero pwede naman part 2.”

Credit: Zeinab Harake Instagram

Dagdag ni Donnalyn, “Zeinab at saka Skusta, ayusin niyo na. I’m sure aayusin niyo naman na yan kasi nakikita ko talaga yung happiness niyo at excitement niyo dadating na yung blessing niyo. Super proud ako sayo [Zeinab] kasi pinili mo yung life, you always choose happiness kaya na-iinspire ako sayo, sa inyo. Feeling ko kapag lumabas na si Baby Z lahat ng maling nagawa niyo feeling ko siya yung magtatama nun. Congratulations!”

Credit: Zeinab Harake Instagram

Mensahe naman ni Loisa para kina Zeinab at Daryl, “Congrats sa inyong dalawa! Ang wini-wish ko sa inyo ay maging happy kayo kasi life is short kumbaga enjoyin niyo lang yan at blessing yan para sa inyo.”

Buhos naman ang regalo para sa unang anak nina Zeinab at Daryl na tinawag din nilang “Baby Sauce”.

Credit: Zeinab Harake Instagram

Sa huli ay sinabi ni Zeinab na abangan ng lahat ang kanilang “gender reveal” na mapapanood sa susunod niyang vlog.