Tingnan ang intimate prenup photos ng dating Goin’ Bulilit star na si Trina “Hopia” Legaspi at ng kanyang fiancè na si Ryan Jarina

Ilang araw na lang ay magaganap na ang inaabangang kasal ng aktres na si Trina Legaspi sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan Jarina.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ngunit bago ang kanilang kasal ay pina-excite muna ng engaged couple ang mga netizen matapos nilang ilabas ang kanilang official prenup photos.

Equestrian ang tema ng ginawang prenup photoshoot nina Trina at Ryan kamakailan lang na kinunan ng Metro Photo.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Trina ang ilang intimate prenup photos nila ni Ryan na may caption na, “We’re headed back to the countryside for our prenup shoot. Here’s to the future Mr + Mrs Jarina!”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Makikita sa mga litrato si Trina na naka-full glam suot ang isang napakagandang gown habang si Ryan naman ay naka-suit and tie. Bukod sa kanilang matamis na tinginan, highlight din sa mga litrato ang kasama nilang isang kabayo.

Dagdag naman ni Trina sa caption ng kanyang post, “Love doesn’t always come easy, but that’s what makes it worth fighting for.”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa kanyang sunod na post inilarawan ni Trina ang kanyang soon-to-be-husband bilang kanyang “shining armor- b0ld, brave and strong.”

Halos isang taon ding pinaghandaan ng engaged couple ang kanilang nalalapit na kasal, na ayon sa latest post ni Trina, ay mangyayari dalawang linggo pagkatapos nilang ibahagi ang kanilang official prenup photos.

Credit: @trinalegaspi Instagram

“2 weeks to go till wedding day… and I’m home with you,” pahayag ni Trina sa kanyang post.

Kaya naman excited na ang netizens na masilayan ang pinapanood nila noong child star na ikakasal! Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nakilala si Trina ng maraming manonood bilang ang napakabibong “Goin’ Bulilit” star noon na si Hopia.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Maraming netizens nga ang nasorpresa lalo na iyong mga batang laging nanonood ng “Goin’ Bulilit” dahil sino ba naman ang mag-aakalang ang dating nagpapatawa sa kanila noon ay ikakasal na ngayon! Talaga namang hindi natin namamalayan ang paglipas ng panahon.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Matatandaaang Nobyembre noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Trina ang kanyang engagement kay Ryan, na halos 7 taon din niyang naging nobyo.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Samantala, ilan sa mga dadalo sa kasal ng engaged couple ay ang mga kasamahan ni Trina noon sa Goin’ Bulilit na sina Michelle Vito at Julia Montes. Ang dalawang aktres ang napili ni Trina para maging bridesmaid niya sa araw ng kanyang kasal.