Tingnan ang ‘kinikilig’ na reaksyon ni Tali sa litrato ng kanyang mga magulang na sina Pauleen Luna at Vic Sotto

Kinaaliwan ng maraming netizens ang nakakatuwang reaksyon ni Baby Tali matapos makita ang sweet moment sa pagitan ng kanyang mga magulang na sina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram   

Kamakailan lamang kasi ay nagbakasyon ng dalawang araw sa Batangas City sina Pauleen kasama ang kanilang pamilya.

“What a fun way to start the week! We stayed at a house in Batangas @baskhouse for 2 nights for a change of scenery. We all did sw@b t3sts so we can fully enjoy our mini vacation. We needed this but the kids super needed this as well! Thank you Lord,” bahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ibinahagi nga ni Pauleen sa kanyang Instagram ang sweet photo nila ng kanyang mister na si Bossing Vic habang nasa isang swimming pool. Kuha ang litrato ng celebrity couple mula sa kanilang nirentahan na bahay sa Batangas City.

Ngunit imbes na matuon kina Pauleen at Vic ang atensyon ng maraming netizens ay napunta ito sa kanilang tatlong taong gulang na anak na si Tali na nasa kanilang gilid at tila ay kinikilig sa ka-sweetan ng kanyang mga magulang.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Makikita sa nakakatuwang reaksyon ni Tali na talagang kinikilig siya sa kanyang mga magulang.
Biro pa ni Pauleen sa caption, “Okay na sana eh”

Napakaganda nga naman nilang tingnan magpamilya kahit nagmistulang photo b0mber ang kanilang napaka-cute na anak.

Umani nga ng samu’t saring komento mula sa netizens ang ‘kilig’ reaction ni baby Tali sa litrato ng kanyang mga magulang. Komento nila:

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“may kinikilig sa side tapos nagpapacute na rin hihihi tali so cuuuute”

“Ang cute po ni bebe tali nakakakilig SARAP pisilin”

“Nag momoment din sana sya, parang kau ung extra”

“Kinilig si Tali kay Mom and Dad nya”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Samantala, kamakailan lamang din ay nag-viral si Tali matapos niyang pangalanan ang iba’t ibang bansa sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang mga watawat.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Tali ang bansang Canada, Australia, Germany, Japan at Philippines.
Bata pa lamang ay ipinapakita na ni Tali ang kanyang taglay na mga talento at talino na talaga namang nagbibigay good vibes sa lahat.