Tingnan ang litrato ng napakagwapong anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na humakot ng maraming papuri mula sa mga netizen!

Marami ang humahanga sa tibay ng pagmamahalan ng real-life celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Credit: @marianrivera Instagram

Mula noong mag-on-screen partner pa lamang sila sa teleseryeng “MariMar” taong 2007 ay patuloy na nagbibigay kilig sa maraming manonood sina Marian at Dingdong.

Sa “MariMar” naman nabuo hindi lamang ang kanilang pagiging loveteam kundi maging ang kanilang pag-iibigan.

Credit: @marianrivera Instagram

At kahit mahigit isang dekada na ang nakalipas mula nang mabuo ang kanilang relasyon ay hindi nawala ang kakaibang chemistry nilang dalawa.

Nauwi nga sa kasalan ang kanilang relasyon noong 2014. Matapos naman ang ilang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang chikiting na talaga namang tulad nila ay artistahin din ang hitsura at dating.

Credit: @marianrivera Instagram

Ang panganay ni Marian na si Maria Letizia o “Zia” ay 5 taong gulang na at isa ngayon sa mga pinakasikat na celebrity kid sa social media. Bata pa lamang ay kahanga-hanga na ang taglay na ganda ni Zia na talaga namang hindi maikakailang namana niya sa pinagsamahang magandang genes ng kanyang mga magulang.

Hindi rin papahuli ang bunsong anak ng “DongYan” couple na si Jose Sixto G. Dantes IV o Baby Ziggy na heartthrob in the making naman.

Credit: @marianrivera Instagram

Makikita sa mga litrato na ibinabahagi nina Marian at Dingdong sa kanilang mga Instagram account ang angking kagwapuhan at ka-cutean ni Baby Ziggy.

Napakagwapo talaga ni Baby Ziggy na kitang-kita sa litratong ibinahagi ni Marian noong March 9. Agaw-atensyon ang ka-cutean ni Baby Ziggy sa nasabing larawan na pinusuan naman ng maraming netizens.

Hindi lamang isa kundi libu-libong netizens ang saksi kung gaano kagwapo ang bunsong anak ng DongYan couple.

Credit: @marianrivera Instagram

Halos nabigla rin ang marami sa mabilis na paglaki ni Baby Ziggy. Tila kailan lamang daw kasi ng kalong-kalong pa siya ng kanyang mga magulang ang ngayon ay mukhang binata na ang dating nito.

Humakot nga ng maraming papuri ang litrato ni Baby Ziggy kahit pa simple lamang ang kanyang suot na outfit. Komento naman ng netizens:

“Ang pogi naman ni Sixto”

“Ah so ganito pala itsura ni Marian kung lalaki siya”

Credit: @marianrivera Instagram

“Hays nakaka-in love ka poging Sixto”

“Grabe ka gwapo”

“Wow ampogi po ng anak mo miss marian”

Isinilang ni Marian si Baby Ziggy noong April 16, 2019.