Tingnan ang mala-beauty queen at artistahing mga anak ni Bangs Garcia sa kanyang Fil-British husband

Isa si Valerie Garcia o mas kilala ng lahat sa kanyang screen name na Bangs Garcia sa mga pinakamahusay na aktres sa bansa. Nakilala rin si Bangs ng mga manonood bilang isang s3xy at sultry actress. Bukod sa pag-arte ay mahusay ding sumayaw ang aktres.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

 

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at namamayagpag na showbiz career ay pinili pa rin ni Bangs na iwanan ang showbiz para mag-pokus sa kanyang pamilya.

Matatandaang taong 2016 ay ikinasal sa isang simple at magandang civil wedding si Bangs sa napakagwapong Fil-British businessman na si Lloydi Birchmore.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Noong January 24, 2017 naman ay ginanap ang kanilang engrandeng beach wedding sa Asya Premier, isang luxury resort sa Boracay Island kung saan din sila nagkakilala ni Lloydi.

Sa kasalukuyan, ay masayang naninirahan ang aktres sa London, United Kingdom kasama si Lloydi at ang kanilang dalawang napaka-cute na anak na sina Amelia at Isabella.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Ipinanganak ni Bangs ang kanilang cute na cute na panganay ni Lloydi na si Amelia noong December 2017.

Nitong July 21 naman ay isinilang ng aktres ang kanilang ikalawang anak na si Isabella.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Parehong mga internet sensation ang mga anak nina Bangs at Lloydi dahil sa kanilang taglay na kagandahan at cuteness.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Patunay sina Amelia at Isabella sa sikat na kasabihan nating mga Pinoy na, “kung ano ang puno, ay siya ring bunga.”

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Sa Instagram page ni Bangs ay madalas siyang mag-post ng mga letrato nina Amelia at Isabella.
Kapansin-pansin sa mga letrato na ibinabahagi ni Bangs na namana nina Amelia at Isabella ang mala-gatas na kutis ng kanilang amang Briton.

Nakuha naman ng dalawang anak ni Bangs ang kanyang maamo at magandang mukha.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Kaya hindi na nakapagtataka kung balang araw ay pasukin na rin ng mga anak ng aktres ang showbiz o sumali sa mga beauty pageant dahil sa kanilang angking ganda.

Si Bangs Garcia ay bumida sa ilang Kapamilya show at pelikula kagaya ng “Katorse” (2009), “Bulong” (2011) at Segunda Mano (2011).

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Samantala, kahit wala na sa showbiz ay gumawa naman ng kanyang sariling YouTube channel si Bangs kung saan ipinapakita niya kung ano ang kanyang buhay sa United Kingdom.