Tingnan ang masayang buhay ngayon ni Jinky Oda sa Amerika pagkatapos lisanin ang mundo ng showbiz

Naalala ninyo pa ba ang komedyante na si Jinky Oda na gumanap bilang si “Bale” sa sikat na fantasy sitcom noong dekada 80 na “Okay Ka, Fairy Ko!?” Ito na ang kanyang buhay ngayon.

Credit: @imvictorious4ever Instagram       

Isa si Jinky Oda o Jacque Oda sa totoong buhay sa mga sumikat na komedyante noong dekada 80 hanggang 90 dahil sa kanyang likas na talento sa pagpapatawa.

Naging popular ang pangalan ni Jinky matapos siyang mapabilang sa cast ng “Okay Ka, Fairy Ko!” na pinagbidahan nina Bossing Vic Sotto, Charito Solis at Alice Dixson.

Credit: @imvictorious4ever Instagram

Matatandaang noong 2008 naman ay naging mukha si Jinky ng isang produktong pampaganda na “Glutamax”. Hindi maputi si Jinky kaya labis na lamang ang kanyang pagkagulat nang kunin siya bilang endorser para sa nasabing sabong pampaputi. Kwento pa ni Jinky tungkol sa pagiging endorser niya ng sabong pampaputi, “Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila. Kakauwi ko lang from Australia noon at ang taba-taba ko. As usual, negra pa rin naman ako.”

Credit: @imvictorious4ever Instagram

Dagdag pa ni Jinky, “Noong nilapitan ako para sa product na ito, hindi muna ako na-convince kasi hindi naman ako naniniwala na mag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin, sinubukan ko na rin.”

Samantala, bukod naman sa pagganap niya sa nasabing sitcom ay napabilang din noon sa ilang pelikula si Jinky katulad ng Mara Clara The Movie, Una Ka Naging Akin at Humanap Ka ng Pangit.

Credit: @imvictorious4ever Instagram

Nagpasya naman si Jinky na iwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para manirahan na sa California, USA. Sa kanyang Instagram ay makikita ang masayang pamumuhay ni Jinky sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Credit: @imvictorious4ever Instagram

Isa pang landas na pinili ni Jinky bukod sa pagpapasaya ng mga tao, ay ang paglilingkod sa Diyos at paglalaan ng kanyang oras sa mga gawaing ministro.

Paglalahad pa ni Jinky, “I have found a purpose in life when I joined the Victory Christian Fellowship.”

Noong 2005 naman ay ibinahagi ni Jinky sa kanyang social media ang pagtanggap niya ng Certification of Completion from the Actors Guild of the Philippines.

Credit: @imvictorious4ever Instagram

Sa kabila naman ng paglisan niya sa showbiz ay hindi nakalimutan ni Jinky na magpatawa at magpasaya pa rin ng mga tao. Gumagawa pa rin ng mga stand-up comedy si Jinky na paminsan-minsan ay ibinabahagi niya sa kanyang YouTube channel.

Credit: @imvictorious4ever Instagram
Credit: @imvictorious4ever Instagram

Base rin sa kanyang social media post sa Instagram nitong November 10, nagtatrabaho ngayon bilang isang security officer si Jinky sa multi-billion dollar American electric car manufacturer company na TESLA.