Tingnan ang mga ‘tiis ganda’ picture ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week 2022 na usap-usapan ngayon online!

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato ni Kapuso actress at celebrity influencer Heart Evangelista kuha mula sa kanyang Paris Fashion Week 2022 diaries.

Credit: @iamhearte Instagram

Kamakailan ay lumipad patungong Paris, France si Heart upang masaksihan ang Paris Fashion Week na isa sa mga inaabangang fashion event sa mundo ng fashion.

Kabilang sa mga highlight ng pagdalo ni Heart sa Paris Fashion Week ay ang pagrampa niya sa harap ng international media suot ang mga naggagandahang outfits.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang magagandang outfits na isinuot ni Heart sa fashion show ng iba’t ibang malalaking luxury brands.

Credit: @iamhearte Instagram

Isa naman sa pinusuan ng marami ay ang mga litrato ni Heart mula sa kanyang “tiis ganda” photosh00t sa harap ng kilalang Eiffel Tower sa Paris.

Sa mga litrato, nagmistulang isang tunay na high fashion model si Heart suot ang isang deep V-neck Long sleeve mini dress at thigh-high heeled boots.

Ngunit bago pa inilabas ni Heart ang mga litrato, una na niyang ibinahagi sa kanyang TikTok account ang behind-the-scenes ng kanyang photosh00t kung saan mapapanood ang pag-awra niya sa harap ng napakagandang Eiffel Tower.

Credit: @iamhearte Instagram

Kaya lang ay hindi tumagal ang photosh00t ni Heart dahil tila hindi na niya kinaya ang lamig ng klima sa Paris lalo pa’t maikli at manipis ang kanyang suot na outfit.

Saad pa ni Heart sa video, “Hindi ko na kaya, ‘di ko na kaya.”

Bukod sa kanyang pagdalo sa Paris Fashion Week, nag-ala real-life Emily Cooper din si Heart ng hit-Netflix series na “Emily in Paris”.

Hindi man nakapunta ang maraming Pinoy fans ng show, masaya naman sila dahil dinala sila ni Heart sa kanyang pagbisita sa isa sa mga sikat na film-location ng nasabing series.

Credit: @iamhearte Instagram

Tiyak na mapapa-sana all ka nang bisitahin ni Heart ang pinagsh00tingan ng Savior Offices, ang office na pinapasukan ng karakter ni Lily Collins na si Emily sa series.

Samantala, agaw-pansin din ang suot na outfit ni Heart na isang long-sleeved black at white dress na pinartneran niya ng isang sunglasses at high-heeled shoes. Ang nasabing dress ay gawa ng Filipino designer at matalik na kaibigan ni Heart na si Mark Bumgarner. Habang napabalitang sold-out naman ang suot na YSL sunglasses ni Heart matapos niya itong suotin sa Paris Fashion Week. Wow!

Credit: @iamhearte Instagram

Talagang pinatunayan ni Heart sa marami ang kanyang malaking influence pagdating sa fashion world.

Matatandaang noong 2020 ay hinirang si Heart ng Forbes France bilang isa sa mga Top 10 Luxury Influencers sa buong mundo.