Tingnan ang naging reaksyon ni Rayver Cruz nang makita ang interior design ng kanyang bagong biling bahay

Speechless at napa-wow ang dancer-actor na si Rayver Cruz nang makita niya ang finish product ng ginawang “home fluffing” ng interior designers na sina Cyndi Fernandez at Mado Beltran ng “Moss Design House” sa kanyang bagong biling bahay.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Mapapanood sa YouTube channel ng Moss Design House ang proseso ng pagta-transform nila sa bahay maging ang reaksyon ni Rayver nang makita niya ito.

Gamit ang kanilang husay sa interior designing, ginawang mala-hotel sa ganda ng mag-asawa ang bahay ni Rayver.

“Mid-century Industrial Bachelor’s Pad” ang tawag nina Cyndi at Mado sa kabuuang interior design ng bahay na anila, bagay sa personalidad ni Rayver.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Sa araw ng “The Reveal” sinamahan si Rayver ng kasintahan niyang si Janine Gutierrez at ng kapatid nitong si Max na nagmungkahi pala sa kanya na ipadisenyo ang kanyang bahay sa Moss Design House.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Pagpasok pa lamang nila sa bahay, labis na silang namangha. Bumungad kina Rayver ang wooden industrial shelves na main attraction sa living area at halos lahat ng mga memorabilia ni Rayver ay naka-display dito tulad ng larawan ng kanyang minamahal na ina. Nag-complement naman sa furniture pieces sa living area ng bahay ang perfect lamang sa laki na concrete accent wallpaper.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Hindi rin mapigilan nina Rayver, Janine at Max na mamangha sa ganda ng pagkakadisenyo sa dining area. Isa sa mga umagaw sa atensyon nila ay ang drop light fixture na hindi maikakailang nagpapagaan sa lugar. Gayundin, ang indoor plant na nakalagay malapit sa bintana.

Ang 6-seater dining table naman at ang kulay gray na eames dining chairs ay nagbigay ng minimalist vibe sa lugar. Habang ang “floor to ceiling” na mga kurtina ay nagbigay ng kakaibang “softness” sa buong lugar.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Speechless at napahiyaw din sa saya si Rayver matapos niyang makita ang entertainment room. Lakas maka-astig ng nakasabit na “bull’s head” sa dingding malapit lamang sa pintuan ng kwarto.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Dumagdag naman sa vintage vibe ng kwarto ang chesterfield sofa na bumagay naman sa kulay gray na wallpaper paint. Sa wall gallery naman ay makikita ang litrato ng ilan sa mga hinahangaang artista at pelikula ni Rayver .

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

Matatagpuan din sa entertainment room ang ilan sa “most prized possessions” ni Rayver tulad ng dalawang samurai sword na aniya, binili pa niya mula sa kanyang unang Japan trip 10 taon na ang nakakaraan.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House YouTube

At pinakahuling ini-reveal kina Rayver ang bedroom na mayroong disenyo na maihahalintulad mo sa kwarto ng isang luxury hotel.

Sa katunayan, inamin ni Rayver na nang makita niya ang kanyang kwarto ay parang ayaw niya itong guluhin dahil sa ganda ng pagkakaayos nito at gusto na lamang niya itong ipagyabang sa lahat.

Ngunit sa huli, hindi na napigilan ni Rayver ang kanyang sarili at tumalon na siya sa kanyang maganda at nakaka-engganyong kama.