Tingnan ang napaka-cute na bagong silang na baby boy nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

“Warrior, Brave One”

Ito ang kahulugan ng pangalang ibinigay nina Andi Eigenmann at surfing champion Philmar Alipayo sa kanilang pangalawang anak.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Hindi na nga pinatagal pa nina Andi at Philmar na ipakita sa buong mundo ang mukha ng kanilang baby number 2 na isang bouncing baby boy na pinangalanan nilang Koa.

Opisyal nang ipinakilala nina Andi at Philmar ang panibagong miyembro ng kanilang Happy Islander family.

Isinilang ni Andi ang kanilang “little island boy” nitong January 17 sa pamamagitan ng c3sarean delivery sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon, City.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

At nitong Martes, January 19, ipinost naman ni Andi ang litrato ni Koa na sobrag napaka-cute habang nakabalot sa isang kumot.

Caption ni Andi sa litrato, “And just like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January, 2021 at 10:09am, we welcomed the newest member of our family. Hello world! Meet our little island boy, Koa.♥️”

Ipinost din ni Philmar ang cute photo ng kanyang anak. Sa caption, sinabi ni Philmar na labis siyang nasisiyahan sa pagdating ni Koa sa kanyang buhay.

Dagdag pa ni Philmar, masaya siya na magkaroon ng isang panibagong lalaki sa kanilang pamilya dahil may katulong na umano siya sa pagmamahal at pag-aalaga kina Andi at sa mga kapatid ni Koa na babae na sina Ellie at Lilo.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Ani Philmar, “Me happy island boy, Koa Eigenmann Alipayo ♥️ I’m over the moon to have you in my life nak! So happy and excited to welcome you in our family. Also so happy to have another boy in our family to help me love and take care of the girls.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Samantala, hindi naman maiwasan ng mga netizen na panggigilan ang anak ng celebrity couple. Maraming netizen din ang nagkomento na kamukha umano ni Koa ang kanyang mga ‘ate’ na sina Lilo at Ellie. Komento ng netizens:

“Looks like ELlies and Lilo too Welcome to the world baby Koa”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“He really has that aura of an island boy, surfing and playing with the waves.”

“OMG xoxox cutie looks like his ate Lilo, Boy Version nga lang. Congrats Mommy Islander”

“Ellie and Lilo combined!!”