Tingnan: Julia Montes, ‘fitspiration’ para sa marami matapos ipasilip ang kanyang home workout routines!

Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang Julia Montes ng marami ay isa sa mga hinahangaang aktres ngayon sa telebisyon man o social media.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Kamakailan ay nagsilbing inspirasyon para sa marami si Julia nang ipakita niya ang kanyang determinasyon at pagpapahalaga sa kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.

Kinabiliban ng maraming netizens si Julia matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang isang video na nagpapakita ng kanyang pag-eehersisyo.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Makikitang kahit nasa kanilang bahay lamang at wala sa isang gym ay todo pa rin sa pag-eehersisyo si Julia.

Pinuri naman ng netizens ang magandang hubog ng katawan ni Julia na bunga ng kanyang pag-eehersisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Ngunit ayon kay Julia, ang pagwo-work out o pag-eehersisyo niya ay hindi lamang para ma-achieve ang isang magandang katawan kundi para rin mapabuti ang kanyang kalusugan.

Ayon pa kay Julia, ang pag-aalaga sa ating kalusugan sa panahon ngayon ay maituturing na isang regalo natin para sa ating sarili at sa mga mahal natin sa buhay.

“Working out not just for my physique but for my Health in general. Sa panahon ngayon having good health is a great gift for yourself and specially for your love ones,” pahayag ni Julia sa caption ng kanyang post.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Sa isang komento, sinabi naman ni Julia na inspirasyon niya sa pag-eehersisyo ang kapwa celebrity na si Aubrey Miles. Natuwa naman si Aubrey sa sinabi ni Julia at hinikayat pa niya ito na ipagpatuloy ang regular na pag-eehersisyo.

Ani Aubrey, “@montesjulia08 Keep it up! Please don’t stop promise you’ll love it. Make a commitment. Whatever happens, do it 2-3x a week. You’ll see result faster. This is awesome”

Komento naman ng ilang netizens sa pag-eehersisyo ni Julia para magkaroon ng mabuting kalusugan:

Credit: @montesjulia08 Instagram

“Good job bebe Julz health is wealth”

“So fit! Hope to see you soon have a YouTube channel soon”

“Go Juls keep fit and good health”

Samantala, sa isang hiwalay na post ay mas kita naman ang laki ng ipinayat ni Julia. Sa ibinahaging letrato ni Julia ay kitang-kita ang kanyang slim na braso at s3xy figure sa kanyang suot na sleeveless top.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Saad ni Julia sa caption, katatapos lamang niyang mag-sh00t at magpa-sw@b nang makunan ang nasabing letrato niya. Komento pa ng ilang netizens:

“Love the look! So payat!”

“Payaaaaaat”

Credit: @montesjulia08 Instagram

“Wow ang payat na”

“Grabe lalong sum3xy”