Tingnan: Liza Soberano, ibinida ang kanyang blonde hair sa kanyang bagong magazine cover photosho0t!

Muling pinatunayan ng aktres na si Liza Soberano sa marami na babagay sa kanya ang anumang kulay at istilo ng buhok!

Credit: @lizasoberano Instagram

Kamakailan, pinahanga ni Liza ang marami nang ibida niya ang kanyang blonde hairstyle sa kanyang pinakabagong cover sho0t para sa isang magazine sa bansa.

Sa kanyang Instagram account, proud na ibinahagi ni Liza na siya ang pinakabagong cover girl ng NYLON Manila magazine.

Kasabay nito, ibinahagi rin ni Liza ang ilang larawan kung saan makikita siyang confident at fierce sa kanyang blonde hairstyle.

Ibinida ni Liza sa mga larawan ang kanyang “unbothered queen” vibe, confident at s3xy sa kanyang outfit na umani ng maraming papuri mula sa kanyang mga follower.

Credit: @lizasoberano Instagram

Bukod naman dito, nagpasalamat din si Liza sa nasabing magazine company sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na matupad ang kanyang “blonde girl dreams.”

“Living my blonde girl dreams for a minute! Thank you @nylonmanila for the amazing cover story and awesome photos!” ani Liza sa kanyang post.

Credit: @lizasoberano Instagram

Dagdag niya, “I’m super excited to get my hands on the FanZine!!!”

Ang mga napakagandang larawan ni Liza na nagpahanga sa mga netizens ay kuha ng celebrity at fashion photographer na si BJ Pascual.

Sa hiwalay na post, ipinahayag din ni BJ ang kanyang kagalakan na makatrabaho si Liza at ang NYLON magazine.

“NYLON was the first magazine I subscribed to as a teen and back then I was OBSESSED with magazine. This cover is quite literally my teenage dream!!! Thanks @nylonmanila fam and @lizasoberano for making this a dream come true,” saad ni BJ sa kanyang Instagram post.

Credit: @lizasoberano Instagram

Tunay ngang isa si Liza sa mga artista na may pinakamagandang mukha hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na anumang look at hairstyle ay angkop sa kanya! Patunay dito ang kanyang latest magazine photos.

Samantala, mabilis naman na nagbigay ng kanilang approval at papuri ang mga netizen para sa blonde hairstyle ni Liza na anila, mas lalo umanong nagpatingkad sa taglay nitong kagandahan. Heto ang ilan lamang sa kanilang mga komento:

Credit: @lizasoberano Instagram

“OMG! SUPER PRETTY TALAGA AAAAAA”

“Grabe ang ganda”

“You nailed it again”

“What can i say “SUPER WOW!”