Tila pangalawang tahanan na ng aktres na si Nadine Lustre ang isla ng Siargao na isa sa labis na naapektuhan ng nakaraang bagyong Odette.
Credit: @nadine Instagram
Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit isa si Nadine sa mga artista na ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang napakaraming nasalanta ng bagyo sa isla.
Lingid naman sa kaalaman ng marami, matapos tumama ang bagyong Odette sa isla, agad na nagtungo si Nadine sa Siargao mula Maynila at nakipagtulungan sa non-government organization na Greenpeace Philippines para maghatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.
Una rito, tumulong si Nadine sa paglalagay ng solar charging station sa Barangay Malinao. Dahil kasi sa bagsik ng bagyo kaya naputol ang mga linya ng kuryente at isa nga ang paghahanap ng charging station sa mga pinoproblema ng maraming residente sa isla.
Credit: Christophe Bariou Facebook
Sa isang panayam naman ay sinabi ni Nadine, “We’ve installed a solar panel here (Malinao, Siargao) that locals can use or charge anything that needs power, since there’s still no power and no one really knows when its gonna come back. I’m just really happy that everyone’s helping each other. And there’s a lot of people outside the island who wants to help as well.”
Namigay at tumulong din si Nadine sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou.
Sa isang Facebook post sinabi ni Christophe na patuloy nilang ginagawa ang kanilang makakaya upang maihatid sa iba’t ibang barangay sa isla ang relief goods, lalong-lalo na umano ang mga pagkain tulad ng rice at canned goods.
Credit: Christophe Bariou Facebook
“Guys we are working day and night here to set up, coordinate and secure distribution points for reliefs goods especially rice and canned goods. Us, we are focusing on Malinao, Union and Mam On island. Distribution point in Malinao in what’s left of our warehouse will be operational tomorrow (in front of Malinao Captain Arnulfo Alcala’s house). Planning to send boats to the islands, first Mamon, if possible La Janosa and Anajawan,” bahagi ni Christophe.
“If you want to help specifically these places, you send send donations on my account. But for general help and purchasing goods from the mainland. Please send to Bastien del Isle, info I already shared earlier on my feed…I see everybody trying to help their own area of responsibility. Thing are finally improving but we need all the help possible. Thank you so much!!” dagdag niya.
Credit: @nadine Instagram
Samantala, bukod sa Siargao island, ginagawa rin ni Nadine ang lahat ng kanyang makakaya para makahingi ng tulong para naman sa iba pang probinsya na lubhang naapektuhan ng bagyo tulad ng Cebu, Bohol, Leyte at Palawan.