Isa si Gladys Reyes sa mga beteranang “Kontrabida” sa showbiz na hanggang ngayon ay minamahal ng maraming manonood. Unang sumikat si Gladys dahil sa kanyang mahusay na pag-arte sa 90s drama series na “Maria Clara” kung saan ginampanan niya ang iconic kontrabida na si “Clara.”
Credit: @iamgladysreyes Instagram
Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng marami, malayong-malayo si Gladys sa pagiging kontrabida sa totoong buhay. Siya ay isang mapagmahal na asawa at ina sa kanyang pamilya.
Pinakasalan naman ni Gladys ang kanyang onscreen partner sa “Mara Clara” na si Christoper Roxas. Ikinasal sila noong Enero 2004. Ngayon, mayroon silang apat na anak.
Isa nga sa mga anak ni Gladys ay dalaga na ngayon. Siya ay si Gianna Aquisha ang nag-iisang anak na babae nina Gladys at Christopher.
Credit: @iamgladysreyes Instagram
Noong nakaraang July 11, ipinagdiwang ni Gladys ang kaarawan ng kanyang unica hija sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawan nito sa kanyang Instagram.
Gaya ng ibang nanay, sinabi ni Gladys na kahit teenager na ang kanyang anak ay mananatili umano itong forever baby niya.
Pahayag ni Gladys, “Happy 13th birthday to my only daughter, Gianna! You will always be my baby. Mommy and Daddy love you forever bestie!”
Credit: @iamgladysreyes Instagram
Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Gladys na si Gianna ay isa na ngayong ganap na teenager.
Kaya naman hindi mapigilan ni Gladys na maging emosyonal sa bilis ng paglaki ng kanyang unica hija na itinuturing naman niyang kanyang ‘bestie.’ Ibinahagi rin ni Gladys ang ilang throwback baby photos nito.
“Napapa-hay! na lang ako sa bilis ng panahon. Happy birthday anak, basta ako pa rin ang bestie mo ok? Swipe left to see some throwback pics,” saad pa ni Gladys sa caption.
Credit: @iamgladysreyes Instagram
Bilang isang teenager si Gianna ay isang certified K-pop fan. Tila namana rin niya ang husay sa pag-arte ng kanyang mga magulang at sa isang pagtatanghal sa kanyang paaralan ay ginampanan ni Gianna ang karakter ni “Dorothy” sa sikat na nobelang pambata na “Wizard of Oz.” Mapapansin din sa ilang larawan na mahilig mag-twinning pagdating sa kanilang OOTDs si Gianna kasama ang kanyang mommy.
Credit: @iamgladysreyes Instagram
Samantala, bukod kay Gianna, sina Gladys at Christoper ay may tatlong guwapong anak na nagngangalang sina Gian Christoper, Grant Carlin at Gavin Cale.