Usong-uso ngayon sa mga celebrity vlogger ang pagsagawa ng prank sa kanilang mga kapwa artista. Pinakabagong biktima naman ng pangpa-prank ng komedyanteng si Vice Ganda ay ang kanyang mga kasamahan sa “It’s Showtime”.
Credit: Vice Ganda YouTube
Ang drama ni Vice ay magbibigay siya ng isang madamdaming speech para pasalamatan ang kanyang mga co-host dahil hindi siya iniwan ng mga ito sa kabila ng krisis na pinagdaanan ng kanilang home network.
Credit: Vice Ganda YouTube
Sa kanyang speech ay binanggit ni Vice kung gaano kahirap para sa kanilang lahat ang nagdaang taon at kung paanong nanatiling matatag ang kanilang pagsasamahan kahit pa ang ilan sa kanila ay lumipat ng ibang TV network kasabay nang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
Credit: Vice Ganda YouTube
Para naman mas lalong ma-touch at maramdaman ng kanyang mga kasamahan ang kanyang pagmamahal at pasasalamat ay nagdala pa si Vice ng mga balloon, isang bouquet ng bulaklak at isang cake.
Credit: Vice Ganda YouTube
Naluha nga ang mga host na sina Amy Perez, Kim Chiu at Jackie Gonzaga sa ka-sweetan ni Vice.
Wala nama silang kaalam-alam na “isshaprank” lang pala ang pagbibigay ng mga regalo ni Vice sa kanila.
Credit: Vice Ganda YouTube
Kaya naman matapos silang paluhain ni Vice dahil sa nakakaantig na mensahe nito ay labis na lamang ang kanilang inis matapos nitong sabihin na hindi para sa kanila ang mga balloon, bulaklak at cake.
Credit: Vice Ganda YouTube
Habang umatras naman ang mga nagbabadyang luha nina Ryan Bang, Vhong Navarro, at Teddy Corpuz matapos sabihin ni Vice na isang prank lamang ang lahat.
Malapit pang masabunutan ni Tsang Amy si Vice dahil sa kalokohan nito.
Credit: Vice Ganda YouTube
Ani Tsang Amy, “Naiiyak ako. Grabe. Akala ko para sa akin. Sasabunut@n kita!”
Saad naman ni Kim, “Akala ko naman [para] sa akin! Hoy, mahal ‘tong luha ko, ha! Ramdam ko pa naman ‘yung pag-appreciate mo.”
Credit: Vice Ganda YouTube
Ngunit sa huli ang ‘inis’ na kanilang naramdaman ay kaagad namang napalitan ng ngiti at mga halakhak.
Nilinaw din ni Vice sa huling bahagi ng video na tunay siyang nagpapasalamat sa kanyang mga kasamahan para sa “friendship” at para sa lahat ng mga bagay na nagawa nila para sa isa’t isa bilang isang “pamilya”.
Credit: Vice Ganda YouTube
At bilang pambawi naman sa pagpapaiyak sa kanila, isa-isang binigyan ng cake ni Vice ang kanyang mga kasamahan.