Tom Rodriguez at Carla Abellana, engaged na matapos ang 7 taong pagiging magkasintahan!

Nagbubunyi ang mga tagahanga ng “TomCar” loveteam ngayon matapos na sa wakas ay nag-propose ang aktor na si Tom Rodriguez sa kanyang matagal nang kasintahan na si Carla Abellana.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Ngayong araw, March 21, ibinahagi ng Nice Print Photography sa kanilang social media accounts ang mga larawan ng Kapuso couple kuha mula sa romantic wedding proposal venue na inihanda ng event sylist na si Gideon Hermosa.

Ayon sa Nice Print, noong October 2020 pa nangyari ang surprise wedding proposal ni Tom kay Carla.
Makikita sa mga larawan si Tom na nakaluhod habang isinusuot sa kamay ni Carla ang isang diamond engagement ring.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

“And it’s finally out The actual wedding proposal of Tom Rodriguez and Carla Abellana happened last October 2020. Congratulations lovebirds!” caption ng Nice Print sa kanilang post.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Nag-post din sina Carla at Tom sa kani-kanilang Instagram account upang opisyal na i-anunsyo ang kanilang engagement.

Isang litrato ang ipinost nila kung saan makikita ang kanilang kasiyahan habang hawak ni Tom ang kamay ni Carla na may suot nang singsing.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Caption ni Carla sa litrato, “A million times, YES.”

Si Tom, sa kabilang banda, ay isinulat sa caption ang linya mula sa likha ng sikat na makatang si Pablo Neruda upang ipahayag ang kanyang wagas na pagmamahal sa kanyang soon-to-be-wife.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…-Pablo Neruda @carlaangeline” sulat ni Tom.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Tila naghihintay ang lahat para sa oras na ito kung saan ipapahayag nina Tom at Carla ang kanilang engagement dahil lahat ng kanilang mga kaibigan at tagahanga ay sobrang saya!

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Bumaha nga ang congratulatory messages para kina Tom at Carla mula sa kanilang mga kasamahan sa industriya.

Ani Benjamin Alves, “Heyyyyy! There it is ! Congrats brother!”

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Saad naman ni Jackielou Blanco, “Wow!! Congratulations to both of you!!!”

Sabi naman ni Dianne Medina, “Congrats! happy ako for you carla and tom”

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Mensahe ni Coney Reyes, “Yey!!! Now i can finally say it loud! Congratulations!!! Happy for you both God bless you and all you plans, Stefano and Adelle! Este..Tom and Carla!”

Tiyak naman na ang kasal nina Tom at Carla ay isa sa mga pinakahihintay na celebrity wedding lalo na’t nagsimula ang kanilang relasyon noon pang 2014.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Matagal-tagal ngang nangyari ang kanilang engagement at naghintay ang kanilang mga tagahanga at supporter.

Gayunpaman, naging tapat sila sa kanilang mga sinabi sa kanilang mga nagdaang panayam na anumang oras sa hinaharap ay magaganap ang kanilang kasal.

Congratulations, TomCar!