Toni Fowler, nagmistulang reyna sa kanyang mala-palasyo sa laki at ganda na bahay

Blessings at opportunities ang hiling natin sa pagpasok ng bagong taon at dahil sa malakas nating paniniwala na makakatanggap tayo ng magagandang balita ngayong 2022, talagang nakaka-attract tayo ng positibong vibes.

Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube

Of course, hindi naman natin kaagad na nakukuha ang ating mga hiling ngunit dahil sa ilang taong pagsisikap ng Pinay vlogger na si Toni Fowler o kung tawagin ng kanyang fans bilang si “Mommy Oni,” naging posible para sa kanya na totohanin ang isa sa mga bagay na dati pa umano niyang pinapangarap at ito ay ang magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang buong pamilya.

Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube

Hindi man madalas na natutunghayan sa telebisyon, nagawa naman ni Toni na maka-create ng sariling pangalan at reputasyon sa mundo ng entertainment at ngayon ay isa sa mga sikat na vloggers sa Pilipinas. Unti-unti na ring natutupad ni Toni ang kanyang mga pangarap at kumakailan lamang nang ipinasilip niya sa netizens ang kanilang “Toro De Palacio”.

Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube

Sa ibinahagi niyang vlog nito lamang Sabado, January 1, nagkaroon ng tour si Toni sa kanilang mala-palasyong bahay kung saan ay mula sa tanggapan hanggang sa garden, talagang kapansin-pansin ang “Roman architectural design” nito.

Sa pagpasok pa lamang sa bahay, bubungad na ang engrandeng staircase patungo sa ikalawang palapag. Napakaluwang din ng buong tanggapan na may vintage vibe ngunit ayon kay Toni, plano niyang gawing studio ang kabuuang space para sa kanyang anak na si Tyronia na mahilig umano sumayaw.

Bet na bet din ni Toni ang kanilang hapag-kainan dahil sa wakas, magkakasama na rin ang kanilang buong pamilya kapag kumakain taliwas sa nakasanayan nila sa dating condo kung saan ay “batch by batch” silang kumakain.

Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube

Madalas na abala sa trabaho, gusto talaga ni Toni na may sarili siyang space sa loob ng bagong bahay kung kaya’t nais niyang gawing “editing room” ang maliit na kusina malapit sa kanilang hapag-kainan.

Naka-reserve rin ang mga kwarto sa unang palapag ng bahay para sa mga bata sa pamilyang Toro kung saan ay malaya silang makakapaglaro. Hindi rin mawawala ang pool dahil matagal na umano itong hiling ni Tyronia.

Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube

Kung malaki sa loob, napakalawak din ng area sa labas kung saan ay plano ni Toni na tayuan ng gym at space para sa kanilang maids. Hindi rin mawala-wala ang ngiti ni Toni dahil kayang-kaya na rin nilang makapag-host ng parties nang hindi nakakadisturbo sa kanilang mga kapitbahay.

Ilang taon din na nagtiis sa kanilang Toro condo, halos hindi maipaliwanag ni Toni ang kasiyahang nararamdaman ngayon na may bago at malaki na silang bahay kung saan ay malaya na silang makakagalaw.