Toni Gonzaga at Direk Paul, naghanda ng espesyal na birthday celebration para sa anak na si Seve

Big boy na ang unico hijo ng mag-asawang Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga!

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Maraming netizens ang halos hindi makapaniwala kung gaano kabilis ang panahon. Parang kailan lamang nang isinilang ni Toni Gonzaga ang nag-iisa nilang anak ng asawa na si Direk Paul Soriano at ngayon ay limang taong gulang na nga!

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Huwebes, September 30 nang ipinagdiwang ni Severiano Elliott o mas kilala sa palayaw niyang “Seve” ang kanyang ikalimang kaarawan. Sa kanyang espesyal na araw, talagang malaki ang paghahandang ginawa ng kanyang Mommy at Daddy upang mapasaya lamang si Seve.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Hindi inaasahang may surpresang hinanda ang mga magulang, labis ang naramdamang excitement ni Seve nang pinasuot ito ng blindfold bago magpunta sa venue. Nang nakita ang temang “Fast and Furious,” hindi mapigilan ni Seve na ipakita ang kanyang napakalaking ngiti.

Sa Instagram, ibinahagi ni Toni ang mga larawan ng anak at ng kanyang pamilya na present sa espesyal na araw ni Seve.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

“Sept 30 is our favorite day of the year! Happy 5th birthday Seve! You are the joy in our family!❤️” sulat ni Toni sa kanyang caption kalakip ng solo na mga larawan ni Seve katabi ng isang “Fast and Furious” inspired na sasakyan.

Mula pa man noon, marami na ang nakakapansin sa cuteness ni Seve at ngayong limang taong gulang na, mas lalo lamang na lumilitaw ang kanyang kagwapuhan. Namana ang “good looks” sa mga magulang, hindi na palaisipan kung lalaking gwapo si Seve!

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Of course, hindi rin nagpahuli ang Tita ni Seve na si Alex Gonzaga, ang kapatid ni Toni at binati rin ng maligayang kaarawan ang pinakamamahal na pamangkin.

“Happy birthday Seve. Thank you for being the family’s source of joy! We love you so much! Tata will always be here for you if u want a cooler mom,” pahayag ni Alex sa kanyang caption.

Marami namang kapwa celebrities at netizens ang nagpaabot ng pagbati para kay Seve.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

“Happy birthday Sevee!!!!” pagbati ni Angel Locsin.

“Happy Birthday, Seve!!! ❤️❤️❤️” pag greet naman ni Iza Calzado.

“Happy happy birthday little good lookin boy!” komento naman ni Billy Crawford.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Toni at Alex sa Instagram kung gaano kasaya si Seve. Sa selebrasyon ni Seve, sinigurado naman ng kanyang mga magulang na sumunod sa “health protocols” upang mapanatiling ligtas ang kanilang buong pamilya.