Toni Gonzaga, ipinasilip sa kanyang vlog ang wedding anniversary gift ni Paul Soriano sa kanya na isang all-white master bathroom

Isa sa mga “most-influential” na babae ngayon sa social media ang TV host-actress at vlogger na si Toni Gonzaga. Marami ang humahanga kay Toni dahil sa kanyang pagiging matalino at ibinabahaging “words of wisdom”.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Madalas namang mag-trending ang kanyang mga vlog dahil maraming aral na kapupulutan ang tao sa kanyang mga interview. Ngunit nitong April 26, timeout muna si Toni sa paggawa ng mga interview-vlog dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip niya ang bagong gawang all-white master bathroom nila ng kanyang mister na si Paul Soriano.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Ayon kay Toni, pangarap niya talagang magkaroon ng isang all-white master bathroom kaya naman nang tanungin siya ni Paul kung ano ang gusto niyang matanggap na regalo para sa kanilang wedding anniversary ay ito ang nag-iisang “request” niya.

Ani Toni, “Paul asked me last year ano’ng gift daw ang gusto ko for our anniversary. And I just said, ‘don’t buy me shoes, bags, or jewelry. Just give me my dream all-white master’s banyo.’ So, I got Creative Spaces to help me come up with a design that can maximize the space that we have.”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Maganda, malinis at mala-banyo ng isang mamahaling hotel ang banyo nina Toni. Pagpasok sa kanilang banyo, unang mapapansin ang kanilang nakapagandang bathtub na ani Toni, paborito nila ng kanyang anak na si Seve.

Voice-activated ang light switches sa loob ng banyo. Ang interior design nito ay simple lamang ngunit napaka-eleganteng tingnan. Malinis at organisado rin ang lahat ng mga gamit na makikita sa loob ng banyo.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

May kanya-kanyang sink naman si Toni at ang kanyang mister. Sa loob, makikita rin ang floor-to-ceiling built-in cabinets kung saan nakalagay ang damit ni Paul.

Samantala, bumagay naman ang mga naka-vase na tuyong halaman at mga fixtures na may gold accent tulad ng door knobs at bubble pendant lights sa all-white design ng banyo. Perfect din para kay Toni ang napili nilang tiles para sa sahig at pader ng banyo.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Aniya, “It’s beautiful, it’s sleek, it’s clean, and I just love it.”

Ipinakita rin ni Toni ang histura ng kanilang shower room na sobrang linis at sosyal din ang dating. Ilan pa sa mga highlight ng banyo nina Toni ay ang kanyang ipinagawang reading nook na isa rin sa kanyang mga paborito.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Huling ipinasilip ni Toni ang kanyang walk-in closet na all-white rin ang desenyo. Makikita naman ang pagkahilig ni Toni sa mga libro dahil sa loob ng kanyang walk-in closet ay mayroong bookshelf na puno ng mga librong nabasa na niya.

Para kay Toni, santuwaryo niya ang kanyang walk-in closet dahil dito siya nakakapag-muni-muni.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Aniya, “I love this place kasi this is where I do my quiet time in the morning. This is where I read, this is where I do my reflections.”