Toni Gonzaga, masayang-masaya sa naging transformation ng kwarto ng kanyang anak na si Seve!

Ang mga nagkalat at magulong mga gamit, laruan at damit ng kanilang mga anak ang madalas na pagmulan ng problema at “stress” ng bawat magulang lalo na ng mga nanay.

Credit: Neat Obsessions YouTube

Aminado naman ang TV host-actress na si Toni Gonzaga na isa rin sa kanyang pangunahing problema ay ang pag-aayos ng mga kagamitan ng kanyang anak na si Seve.

Kaya naman humingi na ng tulong si Toni sa professional organizer na si Issa Guico-Reyes para ma-organize ang kwarto ng unico hijo nila ni Derek Paul Soriano.

Credit: Neat Obsessions YouTube

Mapapanood naman sa YouTube channel ng kumpanya ni Issa na “Neat Obsessions” ang naging transformation ng toddler’s room ni Seve.

Ayon kay Toni, bagong renovate lamang umano ang kwarto ng kanyang anak at nahirapan nga siya sa pagsasaayos ng mga gamit nito.

Ani Toni, “Kasi bagong renovate lang ang room ni Seve. Actually, parang ninety-five percent done na kami. So, one of my pinaka-major problems was really organizing everything. I can organize it. Pero parang — buti na lang may Neat Obsessions.”

Credit: Neat Obsessions YouTube

Naging maaliwalas at malinis nga ang kwarto ni Seve na nagpagaan naman sa pakiramdam ni Toni.

Aniya, “Alam mo, iba talaga ‘yung feeling na organized ang nakikita mo and everything is put in its proper place, segregated, labeled, and ‘yung may proper area for everything. Kasi nakakabigay talaga siya ng peace of mind, it relaxes your mind, it calms you. Kasi ‘yung clutter, nakaka-stress siya ‘no.”

Credit: Neat Obsessions YouTube

Masayang-masaya rin si Toni dahil may bawat lugar at lalagyanan ang mga laruan ni Seve. Mas naging maluwag din ang buong kwarto ni Seve dahil lahat ng kanyang gamit ay maayos na nakalagay sa mga organizer at maging ang closet nito ay organisado at malinis ding tingnan.

Credit: Neat Obsessions YouTube

Isa rin sa mga ikinasaya ni Toni sa naging pag-oorganisa ni Issa sa kwarto ng kanyang anak ay ang study area ni Seve.

Makikita na ang mga libro at mga gamit sa school ni Seve ay maayos na nakalagay sa mga organizer.

Credit: Neat Obsessions YouTube

Ibinahagi naman ni Toni na espesyal para sa kanya at paborito talaga niya ang kwarto ng kanyang anak dahil dito mas nagiging “present” siya.

“This whole room. This is my favorite area because this area reminds me of my life. Seve is my life. When I come into this room, this helps me leave all of my work outside the room. Kasi when I’m here in this room, I’m present,” kwento ni Toni.