Toni Gonzaga, pinasalamatan sa kanyang kabutihan nang ibinigay niya ang kanyang talent fee sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho

Sa buhay natin marami tayong mga taong gustong pasalamatan dahil pinakitaan nila tayo ng kabutihang-loob at hindi matatawarang pagmamalasakit noong mga panahon na nasa mahirap tayo na sitwasyon.

Credit: @celestinegonzaga Instagram   

Isa naman ang aktres at host na si Toni Gonzaga sa mga nagpakita ng kabutihan at pagmamalasakit sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho matapos hindi isyuhan ng panibagong prangkisa ang kanilang network.

Labis-labis nga ang pasasalamat ng Managing Director ng ABS-CBN Film Productions, Inc. na si Olivia Lamasan kay Toni dahil sa kanyang pagiging ‘generous’ at pananatili niya bilang isang Kapamilya sa oras ng krisis.

Mapapanood sa birthday special episode ng online talk show ni Toni na “I Feel U” ang madamdaming pagbibigay ng mensahe at pagpapasalamat ni Olivia sa kanya.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

“Happy happy birthday, Tin! I am sending you my heart that’s so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema. Sobrang maraming salamat, anak. Thank you so much for staying on with us,” mensahe ni Olivia kay Toni.

Nagpasalamat din ang beteranong direktor kay Toni sapagkat tinanggap umano nito ng walang pagdadalawang-isip ang proyekto na inalok nila sa kanya, ang “I Feel U”.

Ayon pa sa direktor, tinanggap umano ni Toni ang proyekto “believing in the purpose, believing in the objective” ng show na ipagpatuloy ang pagbibigay serbisyo ng kanilang network sa mga Pilipino.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Binalikan din ni Olivia ang pagkakataon kung saan ay pinaiyak umano siya ni Toni dahil sa kabutihan ng puso at pagiging mapagbigay nito.

Ikwenento ni Olivia na noong ipinasara ng kongreso ang ABS-CBN ay ibinigay umano ni Toni ang bahagi ng talent fee nito sa mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa kanilang retrenchment program.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Hindi umano malilimutan ni Olivia ang kabutihan na ipinakita ni Toni. Hiling naman ni Olivia na pagpalain pa si Toni ng Diyos dahil sa pagiging bukal ng puso nito na tumulong sa mga nangangailangan.

Samantala, ibinahagi ni Toni na naisip niya na hindi niya maisasakatuparan ang kanyang pangarap para sa kanyang ika-20 taon sa showbiz nang mag-shutdown ang kanilang network.

Ayon kay Toni, noong Bagong Taon ng 2020, isinulat niya bilang kanyang pangarap para sa kanyang ika-20 taon sa showbiz ang magkaroon ng sariling show kung saan makakausap niya ang iba`t ibang tao.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Sa pag-aakalang hindi na ito matutupad dahil sa pagsasara ng kanilang network, lubos ang pasasalamat ni Toni dahil inalok siya ni Olivia ng proyekto na “I Feel U” na pinapangarap niyang gawin.

Idinagdag din ni Toni na nagpapasalamat siya sa Diyos sapagkat ibinigay pa rin Nito sa kanya ang kanyang “pangarap” kahit pa binitawan na niya ito.