‘Tractors are good investment’: Bea Alonzo, tuwang-tuwa sa kanyang bagong biling traktora para sa kanyang farm sa Zambales!

Marami ang humahanga sa Kapuso actress at ngayon ay vlogger na si Bea Alonzo dahil sa husay niya sa pamamahala ng kanyang mga kinikita.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Isa lang si Bea sa mga award-winning actress na matagal na sa showbizness. At bilang isang in-demand na artista, kaya naman nakakamangha ang dami ng proyekto na kanyang ginagawa.

Pero sabi nga nila, walang silbi ang laki ng pera na iyong kinikita kapag napupunta naman ito sa mga walang kwentang bagay at hindi mo papalaguin.

Kaya naman si Bea ay talagang nag-invest sa pagbili ng ekta-ektaryang lupain sa Zambales na ginawa niyang farm.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa kanyang YouTube vlog, ipinasilip noon ni Bea ang napakalawak nilang farm na pinangalanan nilang “Beati Firma.” Ang nabiling farm ni Bea ay talaga namang bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho bilang isang artista.

Katuwang ni Bea sa pangangalaga o pagmi-maintain ng kanilang farm ang kanyang ina na si Mama M. at kapatid na si James.

Kamakailan naman, muling nagbalik si Bea sa kanilang farm matapos ang ilang buwang hindi niya pagbisita rito dahil sa kanyang busy career.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa muli niyang pagbisita sa kanyang farm, ipinagpatuloy ni Bea ang naudlot niyang “vegetable garden tour” vlog kung saan ipinakita niya ang masaganang taniman ng gulay ng kanyang ina.

Kasama ni Bea na namitas ng mga lulutuing gulay ang kanyang kapatid. Ilan lamang sa mga inani nilang gulay ay perfect na gawing Pinakbet tulad ng sitaw, talong, kalabasa, okra at patola. Bukod dito, proud din na ipinakita ni Bea ang tanim nilang sili, corn, pipino, at watermelon.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Masasabi nga ni Bea na talagang masarap ang buhay sa probinsya dahil aniya, “kahit na wala kang pera, kakain at kakain ka [basta] magtanim ka lang.”

Samantala, bukod sa pagha-harvest ng mga tanim nilang gulay, ipinakita rin ni Bea sa kanyang fans ang bagong bili niyang farm equipment na walang iba kundi isang napakagandang traktora!

Iginiit ni Bea na para sa mga tulad niyang sumabak sa farming, magandang investment daw talaga ang pagbili ng isang traktora dahil makakatulong ito sa pagmi-maintain ng farm.

“One of the things I realized as a farm owner is that tractors are a good investment. A lot of work comes with managing a farm, and it is essential to have a reliable equipment that can handle multiple tasks and increase productivity,” saad niya.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Gayunpaman, sinabi rin ni Bea na ang kanilang farm ay palaging “work in progress.” Isa lamang nga ang pagbili niya ng traktora sa panibagong progress na kanyang nagawa para mapaganda at mapalago ang kanilang farm.