Truck driver na maling natawagan ni Willie Revillame, masuwerteng nakatanggap ng P20,000 mula kay Willie

Isa sa mga nagbibigay saya sa mga Pinoy ang Kapuso host na si Willie Revillame.

Hindi lamang kasi purong entertainment ang handog ng programa ni Willie na “Tutok to Win” sa mga manonood kundi maraming biyaya rin.

Credit: Wowowin YouTube     

Kamakailan ay isa na namang masuwerteng Pinoy ang nakatanggap ng biyaya mula kay Willie. Ito ay matapos na ma-dial ni Willie ang maling numero.

Sa kanyang afternoon program sa Kapuso network nitong December 7, tinawagan niya ang isang babaeng nagngangalang Ronila Silvano ngunit laking gulat na lamang niya matapos sagutin ng isang lalaki ang tawag.

“Magandang hapon po. Nandiyan ba si Ronila Silvano?…”

Sinabi naman ng lalaki kay Willie na maling numero ang kanyang natawagan.

Credit: Wowowin YouTube

“Hindi po ako ‘yan. Baka wrong number po ‘yung natawagan niyo po,” ani ng lalaki kay Willie.

Tila naguguluhan naman si Willie sa sinabi ng lalaki kaya tinanong niya kung ano ang pangalan nito.

Ani Willie, “Bakit iba? Sino ‘to? Sa Tutok to Win ‘to.”

Agad namang nagpakilala kay Willie ang lalaki at sinabi na siya si Juanito Panti Jr. at nakatira siya sa Marinduque City.

Sinabihan naman ni Juanito ang host na tingnan ang cellphone number na kanyang napindot at baka mali ito.

Credit: Wowowin YouTube

Napasigaw naman sa gulat at natawa na lamang si Willie nang tingnan niya ang numero na kanyang napindot.

Kaya si Juanito ang sumagot ay dahil pala naipagpalit niya ang pagkasunod-sunod ng dalawang numero ng cellphone number.

“Naku! Nagkamali ako ng pindot. Nagkamali ako ng isang numero, sorry,” natatawang saad ni Willie.

Credit: Wowowin YouTube

Dagdag niya, “Pasensya ka na. Aks!dente lang.”

Wala namang problema kay Juanito na natawagan siya ni Willie. Sa katunayan, natuwa pa ito dahil nakausap niya ang host.

Ani Juanito kay Willie, “Sige po, Kuya Wil, okay lang po. Masaya na po ako at nakausap ko po kayo.”

Credit: Wowowin YouTube

Nagkaroon naman ng maikling kwentuhan sina Willie at Juanito.

Ikwenento nito sa host na isa siyang truck driver at mayroon siyang asawa at apat na anak.

Hindi naman natapos ang tawag na hindi binibigyan ni Willie ng pamasko si Juanito.

Credit: Wowowin YouTube

Ayon kay Willie, bibigyan umano niya si Juanito ng P20,000 at isang tablet dahil mabait umano ito.

Sa huli ay nagpasalamat si Juanito sa kabutihan ni Willie at sa kanilang mga sponsor.