Unang family photo ng pamilya nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kasama ang kanilang baby boy na si Koa, pinusuan ng maraming netizens!

Sumabak sa kanilang unang family photo shoot ang “Happy Islanders” family na binubuo ng engaged couple na sina dating aktres Andi Eigenmann at professional surfer Philmar Alipayo.

Sa pagkakataong ito ay isang “family of five” na ang pamilya nina Andi at Philmar. Sa unang pagkakataon ay kasama nila ang panibagong adisyon sa kanilang lumalaking pamilya na si baby Koa.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ibinahagi naman ni Andi sa kanyang Instagram, ang isang heartwarming photo nilang magpamilya kuha mula sa kanilang photo shoot.

Casual outfit lamang ang isinuot ng buong Happy Islanders family. Sina Andi at Philmar ay matching sa kanilang puting damit. Habang ang naggagandahan namang mga anak ni Andi na sina Ellie at Lilo ay nakasuot ng cute outfits. Habang si baby Koa naman ay mahimbing na natutulog sa bisig ng kanyang Mommy Andi.

Makikita ang masaya at matamis nilang ngiting magpamilya na nagpatunaw sa puso ng mga netizen. Simple ngunit makabuluhan naman ang naging caption ni Andi sa kanilang unang family photo kasama si baby Koa.

Ani Andi, “My happy island fam. [heart emoji]”

Credit: @andieigengirl Instagram

Bago ito, ibinahagi ni Andi ang isang special at cute photo nilang dalawa ni Philmar kasama lamang si baby Koa sa panibagong newborn shoot na ginawa nila.

Ibinahagi ni Andi na mas mabilis umano ang ginawa nilang photo shoot ngayon dahil lahat umano sila ay ibinigay ang kanilang pinakamahusay sa bawat click ng camera.

Ayon pa kay Andi, maging si baby Koa ay hindi sila binigyan ng isang mahirap na oras sa photo shoot sapagkat palagi umano itong tulog o hindi naman kaya ay busog.

Kwento ni Andi, “Had another newborn shoot with @cocoonstudioph. Thank you so much guys! This time was quicker because everybody gave their all in every click, even Koa who was either asleep or full throughout the shoot.”

Credit: @andieigengirl Instagram

Hindi naman mapigilan ng mga netizen na purihin ang maganda at masayang pamilya ni Andi na makikita sa kanilang litratong magpamilya. Komento ng netizens:

“You look so genuinely happy! It transcends.”

“Nakaka good vibes ang family na to”

“THIS IS WHAT REALLY LOVE IS”

Credit: @andieigengirl Instagram

“happy islanders families all happy”

Matatandaan na noong January 17 ay isinilang ni Andi si baby Koa sa pamamagitan ng caes@rean section.

Mapapanood naman sa kanilang YouTube channel ang naging birth journey ni Andi.