Isa sa mga pagkakakilanlan nating mga Pilipino ay ang hilig at galing natin sa pagkanta. Kung kantahan at biritan naman ang pag-uusapan, tiyak na nangunguna sa listahan ang mga OPM singer na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
Credit: @jayda Instagram
Marami ang humahanga kina Jessa at Dingdong dahil sa maganda nilang boses. Pero maliban dito, madalas ding nilang naaagaw ang atensyon ng lahat dahil sa kanilang angking kagandahan at kagwapuhan.
Kahit lumipas nga ang maraming taon, napanatili pa rin nina Jessa at Dingdong ang kanilang husay sa pagkanta at taglay na kagandahan at kagwapuhan.
Credit: @jayda Instagram
Hindi naman nakakagulat na ang kanilang unica hija na si Jayda ay namamayagpag na rin ngayon sa larangan ng pagkanta. Wala na ngang makakapigil sa pag-usbong ng singing career ni Jayda.
Humahakot ngayon ng maraming atensyon ang dalaga sa telebisyon man o sa social media. Tulad kasi ng kanyang napakagandang boses, nakakahumaling din ang taglay na kagandahan ng dalaga.
Credit: @jayda Instagram
Pinupusuan sa social media si Jayda dahil maliban sa pagiging singer ay mayroon din siyang napakagandang mukha na pwedeng isabak sa pag-arte o hindi naman kaya sa mga beauty pageant.
Kitang-kita sa mga litrato at video na ibinabahagi nito sa kanyang mga social media account, ang hindi maitatagong kagandahan at karisma niya na namana naman niya sa kanyang mga magulang.
17 taong gulang pa lamang si Jayda ngunit ganap na itong dalaga. Matatandaan na noong bata pa lamang si Jayda madalas siyang makita sa mga TV guesting ng kanyang mga magulang.
Credit: @jayda Instagram
Noong hindi pa nga pumapasok si Jayda sa showbiz, marami na ang nagsasabing lalaki siyang kasing ganda at talented ng kanyang mga magulang.
Mukhang hindi naman nagkamali ng hula ang mga tao dahil ngayon ay sobrang ganda nga ni Jayda at napakahusay pang kumanta.
Credit: @jayda Instagram
At dahil na rin parehong matagumpay ang kanyang mga magulang sa industriya ng pagkanta, inamin ni Jayda sa panayam sa kanya ng fashion at lifestyle magazine na Metro.style na nakakaramdam siya ng konting “pressure”.
Ngunit sinabi ni Jayda na sa halip na tingnan niya bilang “pressure” ang tagumpay ng kanyang mga magulang bilang mga mang-aawit, gagamitin niya ito upang patuloy na pagbutihin ang kanyang sarili.
Credit: @jayda Instagram
Ani Jayda, “There’s a bit of pressure on my part with both of my parents in this industry because they have made their respective marks so I kind of have to live up to that but instead of looking at it as pressure, I use it to improve myself further.”
Samantala, patok naman ngayon sa lahat ang bagong music single ni Jayda na “Paano Kung Naging Tayo”.
Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, ang music video ng nasabing kanta ay mayroon nang mahigit 200K views sa official YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.