Valeen Montenegro, pinahanga ang netizens sa kanyang ‘effortless’ weightlifting exercise routine!

Napa-w0w ang maraming netizens sa ibinahaging workout video ng Kapuso actress-comedian na si Valeen Montenegro kung saan mapapanood siyang nagbubuhat ng barbel.

Credit: @valeentawak Instagram

Makikita sa ipinost na workout video ni Valeen sa kanyang Instagram na walang kahirap-hirap niyang binuhat ang isang barbel na may bigat aniya na 20kg.

Sinabayan pa ni Valeen ng exercise routine na overhead squats ang kanyang pagwe-weightlift. Kahanga-hanga ang magandang postura o formation na ipinakita ni Valeen habang nagsa-squat na buhat-buhat ang isang barbel.

Credit: @valeentawak Instagram

Makahulugan naman ang isinulat na caption ni Valeen sa kanyang post. Pahayag niya, “When you feel like the weight of the world is on your shoulders…SQUAT!”

Samantala, bumuhos ang paghanga para kay Valeen mula sa netizens matapos niyang ibida ang kanyang lakas sa pagbubuhat ng barbel.

Isang netizen ang nagkomento at sinabing hinahangaan niya ang pagsisikap ni Valeen para ma-achieve ang isang tamang body figure.

Credit: @valeentawak Instagram

“Ms. Valeentawak i do really admire your hard work just to get (a) right figure…I started following your workout session since last week and now I see the difference shape especially on my face…thank you valeentawak, hoping more workout videos you able to share,” komento pa ng nasabing netizen.
Tumugon naman si Valeen sa komento ng netizen at may ibinigay pa siyang fitness tip dito. Aniya,

“@yangsejones always here to inspire! keep it up!!! Eat well too.”

Credit: @valeentawak Instagram

Narito pa ang ilang komento ng netizens na bumilib sa ipinakitang workout routine ni Valeen.

“kabahan na si Ms Hidilyn Diaz”

“solid! nakaka inspire to”

“Bakit parang ang gaan sayo”

Credit: @valeentawak Instagram

“Ung strong na balakang talaga e. Sana all. Ang fit!

Lingid sa kaalaman ng lahat, inspirasyon para sa maraming netizens si Valeen lalo na pagdating sa fitness at pagsusulong ng body positivity.

Talamak nga naman sa social media ang b0dy sh@ming at hindi nakaligtas si Valeen sa mga pambab@sh ng netizens. At isa sa mga madalas na matanggap niyang komento ay tungkol sa kanyang maliit na hinaharap.

Credit: @valeentawak Instagram

Ngunit sa halip na ikahiya ang kanyang katawan ay mas ipinagsisigawan ni Valeen sa marami na proud at confident siya sa kung anong mayroon siya.

Matatandaang noong Abril lamang ay nag-post si Valeen sa kanyang Instagram account ng isang larawan kung saan ay proud niyang ibinandera ang kanyang katawan. Kalakip ng nasabing larawan ay ang caption na, “Flat is the new normal.”