Valerie Concepcion, may sweet at touching message para sa kanyang unica hija sa ika-17 kaarawan nito

Isa sa mga aktres na naging ina sa kanilang kabataan ay si Valerie Concepcion. Maagang nabuntis at naging ina si Valerie. Sa edad na 16 ay isinilang niya ang kanyang unica hija na si Heather Fiona na ngayon ay teenager na! Kaybilis nga namang lumipas ng panahon at may anak na dalaga na si Valerie.

Credit: @v_concepcion Instagram

Noong October 25 ay naging ganap na 17 taong gulang si Heather. Kasama ang kanyang mommy at ilan nilang kapamilya ay masayang ipinagdiwang ni Heather ang kanyang kaarawan.

Makikita naman sa mga litratong ibinahagi ni Valerie sa kanyang Instagram na sa kanilang tahanan lamang naganap ang masayang salu-salo ng kanilang pamilya sa kaarawan ni Heather.

Credit: @v_concepcion Instagram

Nagbahagi rin si Valerie ng ilang videos kung saan game silang naglaro na magpamilya ng isang money game.

Samantala, marami ang naantig sa sweet message ni Valerie para sa kanyang unica hija.
Ayon kay Valerie, tumanda man ang kanyang anak ay mananatili itong kanyang baby.

“Before this day ends, I want to greet my lovely daughter — Happy 17th Birthday, Heather! Sharing each day of my life with you is so special. Don’t forget that I am here for you and you are very much loved. No matter how old you get, you will always be my baby girl and I will never stop loving you.”

Dagdag niya, “You are and will always be my greatest treasure.”

Credit: @v_concepcion Instagram

Anak sa pagkadalaga ni Valerie si Heather. Sa isang panayam noon ibinahagi ng aktres na hanggang ngayon ay hindi pa nasisilayan sa personal ng kanyang anak ang ama nito.

Inamin naman noon ni Valerie na lahat ay sinasabi niya sa kanyang anak. Nagpapasalamat din ang aktres dahil malapit sila ng kanyang anak sa isa’t isa at bukas nilang nasasabi sa isa’t isa ang kanilang mga sekreto at damdamin.

“Bata pa lang siya, hindi ako nagsisinungaling. Sinasagot ko nang maayos, ini-explain ang lahat. Kahit hindi pa niya nakikita in person ‘yung dad niya, pinakita ko yung picture…Wala akong sinisikreto sa kanya,” kwento ni Valerie.

Credit: @v_concepcion Instagram

“Ngayon na teenager na siya, hindi siya nagsi-sekreto sa akin and I’m so thankful. At least maga-guide ko siya nang tama. Mas malaki ‘yung tsansa na hindi niya maulit yung mga pagkakamali ko sa buhay,” dagdag ni Valerie.

Sa ngayon naman ay happily married na si Valerie sa isang Guam-based non-showbiz guy na si Francis Sunga. Matatandaan na ikinasal ang dalawa sa Cavite noong December 2019.