Vanessa Hudgens hanga sa katapangan ng kanyang Pinay mom; nais gumawa ng pelikula hango sa kwento ng pagiging imigrante nito sa Amerika

Nais ng kilalang Fil-Am Hollywood actress na si Vanessa Hudgens na gumawa ng pelikula hango sa kwento ng kanyang inang Pinay bilang isang imigrante sa Amerika.

Credit: @vanessahudgens Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na maraming Pinoy ang nagma-migrate sa Amerika sa pag-asa ng mas magandang buhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya. Isa na nga rito ang ina ni Vanessa na si Gina Cuangco.

Kamakailan lang, nagkaroon ng pagkakataon si Vanessa na ibahagi sa buong mundo ang karanasan ng kanyang ina na nakipagsapalaran sa Amerika sa edad na 25.

Sa isang panayam sa isang kilalang magazine sa United Kingdom, ikwenento ni Vanessa ang mga paghihirap ng kanyang ina na mahanap ang kanyang lugar at makapagsimula ng bagong buhay sa isang dayuhang bansa.

Credit: @vanessahudgens Instagram

Bahagi ng aktres, halos hindi niya maisip ang hirap na pinagdaanan ng kanyang ina nang mag-isa itong nagtungo sa Amerika ng wala ni isang taong kilala. Dagdag pa umano rito na naiiwang mag-isa sa kanilang tahanan ang kanyang ina dahil palaging wala ang kanyang ama na nagtatrabaho naman noon bilang isang bumbero.

“As an immigrant, coming into the States and not knowing anyone, I can’t even imagine how difficult and challenging that is and what challenges she faced as a woman. And my father was a firefighter, so he was gone for a week and home for a week,” saad ni Vanessa.

Para naman kay Vanessa, labis na kapupulutan ng inspirasyon ang kwento ng kanyang ina, dahilan kung bakit gusto niya itong gawan ng pelikula.

Credit: @vanessahudgens Instagram

“I feel like that’s such a relatable story to so many women all over the world. The more that we can share, the more we can lift each other up,” ani Vanessa.

Dagdag pa niya, “It’s so important to share all the different stories because America is a massive melting pot, [just like the] world. There are so many different stories that need to be told so that we are exposed to them and can have more empathy towards different people.”

Credit: @vanessahudgens Instagram

Ipinahayag din ni Vanessa na sobrang proud siya sa kanyang ina. Aniya, “She’s the strongest woman I know. To come out to the United States with my father, not know a soul here, and to build a new life for herself, it’s terrifying and it takes great courage…”

Samantala, inamin ni Vanessa na habang siya ay tumatanda mas nakikita niya ang pagkakapareho nila ng kanyang ina. Sa huli nga, hangad ni Vanessa na maging katulad ng kanyang ina.

Credit: @vanessahudgens Instagram

“In the beginning, it was a little alarming, but now I embrace it with open arms because she’s incredible and I aspire to be like her,” ani Vanessa na sumikat noong 2006 nang mapabilang siya sa musical-romance film na “High School Musical.”